CHESCA: DAYS passed. Bumalik sa normal ang lahat. Hindi na rin nagpakita pang muli si Darren. Umiiwas na rin ako sa pamilya Madrigal. Para saan pa? Masasaktan lang ako kapag nakikibalita pa ako sa kanila gayong alam ko naman ng nagsasama na si Kelsey at Darren kasama ang anak nila. Si Darren na mismo ang nagsabi sa akin. Na pakakasalan niya si Kelsey dahil hindi niya hahayaang maging bastardo ang anak nila katulad niya. Unti-unti ay tinatanggap ko na rin na hindi talaga kami para sa isa't-isa. Mas lalo lang kasi akong masasaktan kung aasa pa ako sa aming dalawa. Matapos ang libing ng kapatid at hipag ni Zander, legal na nitong in-adopt si baby Precious. Bumalik din sa USA ang mga magulang nito at naiwan kay Zander ang pangangalaga sa bata. Sinasamahan ko naman ito sa pag-aalaga kay ba

