CHESCA: NANGINGITI ako habang magkahawak kamay kami ni Darren at karga naman nito sa balikat si Jarren. Nandito pa rin kami sa kilalang park dito sa Baguio na naglilibot-libot. Maraming turista ang kasabayan namin na namamasyal dito sa park. Mabuti na lang at disiplinado ang mga tao dito. Nagkalat ang security guard at mga street sweepers na nagpapanatili sa kalinisan ng paligid. Kung titignan kami ngayon ay para kaming isang masayang pamilya. Alam kong mas lalong magagalit si Kelsey sa akin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Na tinangay ko dito sa Baguio ang mag-ama niya. May parte sa puso ko na nakakadama ng inggit sa kanya. Malaki na kasi si Jarren at napakalambing nitong bata. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Darren Jr ko. Kung hindi sana siya maagang nawala sa akin? Baka kas

