DARREN: NAPANGISI akong nakamata ditong pulang-pula na ang mukha at bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. "Hiwalayan mo na siya," maawtoridad kong saad dito. "Ayoko." "Gusto mo bang lumpuhin ko 'yon?" "Nababaliw ka na ba?" "Oo. Mababaliw talaga ako kapag napunta ka sa iba. Kaya pwede ba? Hiwalayan mo na lang kasi ang unggoy na 'yon." Naiinis kong saad na ikinakurap-kurap nito. "Pwede ba? Kalahati na ng buhay ko ang ginugol ko sa'yo. Hayaan mo naman akong maging masaya. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong pamilya," pagalit nito na ikinataas ng kilay ko. "Gusto mong magkaroon ng sariling pamilya na hindi na ako kasama, gano'n ba?" tanong ko na matiim na nakatitig ditong namula ang pisngi at nag-iwas ng tingin. "O-oo," mahinang sagot nito na ikinalunok kong nasaktan sa isin

