DARREN: AKALA ko ay uuwi na kami ni Noah. Pero tumuloy ito sa isang exclusive na Bar na ikinailing kong nagpatianod dito. As usual, agaw attention kami sa lahat na halos lahat ng mga mata ay nakatuon na sa aming dalawa. Napapairit ang mga babae na nagpapapansin sa amin. Tinatawag pa kami at kinikilig na makitang may magawing Madrigal dito sa Bar. Sinalubong kami ng manager na nakipag-fist bump pa kay Noah. Tahimik lang naman akong nasa likuran nito. "Mabuti naman gumawi kayo dito, boss Noah. Siya ba si Sir Darren?" dinig kong wika ng lalake. Inakbayan pa ito ni Noah na nakangiting humarap sa akin. "Yeah. He's my brother, Darren." Sagot nito. "Uhm, Darren. Si Redentor nga pala. Kaibigan ko at may-ari ng Bar na 'to," pagpapakilala nito na ikinatango kong kinamayan ang kaibigan nit

