AIREN: MATAPOS naming kumain ni Darren ay ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan namin. Bumalik din ito sa mesa nito at binalikan ang trabaho nito. Nang matapos ko ng maghugas. Naigala ko ang paningin sa kabuoan ng opisina nito. Malinis, mabango at maaliwalas naman dito. Maluwag din ang espasyo. Lumapit ako dito na may dalang kape. Hindi ko mapigilang mapangiti na pinagmamasdan ito. Ngayon ko lang kasi nakitang naka-formal attire si Darren habang abala sa office table nito. May suot pa itong reading glasses na kunot ang noo at naka-focus sa laptop nito. Napaka arogante ng datingan niya lalo na't naka-pokerface ito. Pero kahit gano'n ay hindi kabawasan iyon sa angking karisma at kagwapuhan nito. "Gusto ko ba ng kape? Ginawan kita." Saad ko na inilapag sa harapan nito

