Chapter 25 Kanina ko pa pinagmamasdan ang aking repleksiyon sa salamin. Iniangat ko ang aking suot na maternity dress, malaki na pala ang aking tiyan. Limang buwan na ang bata sa aking sinapupunan. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa mga ikinikilos ni Chuck. Alagang-alaga niya ako kahit hindi pa siya tuluyang gumagaling. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalakad nang maayos pero halos ito ang nag-aasikaso sa akin. Simula sa paghahanda ng tubig na panligo ko hanggang sa damit na isusuot ko. Minsan ay naiinis ako dahil tila baliktad. Dapat ako ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan niya pero palagi niya akong nauunahang gumising at marahil dala na rin ng pagbubuntis ko, ay tinatamad akong bumangon sa umaga. "Don't worry, sweetheart," dinig kong wika

