Chapter 24 KATELYN Company car ng Reyes Group of Companies ang sinakyan namin. Sa likod kami naupo ni Jan Michael habang si Innu ay sa front seat. Nakatutok pa sa akin ang camera. Effort sa trabaho naman. “Ano ang pakiramdam na tayo ay pupunta ngayon sa JMR mall, Katelyn?” Kumunot ang noo ko. “Ano ba dapat? Ha ha! Ewan ko. Bakit ako dadalhin ni Jan Michael sa mall nila.” Bumaling kay Jan Michael ang camera. “Baka hindi na kami maging magka-pareha kaya I want her to know a place where I work. Don’t worry. Gagawin ko naman to sa lahat ng makaka-date ko. No bias.” Hilig mag-show off! De ikaw na ang multi-billionaire! We reached JMR Mall in thirty minutes. Pinagbuksan ako ng pinto ni Jan Michael. Of course, nakatutok ang camera! “Thank you…” Sinalubong kami ng isang man-in-black. Pi

