Chapter 26 KATELYN Tanghali na ako nagising. Tulala pa nga ako. Parang ramdam ko iyong ilang araw na hindi maayos ang tulog ko. Nanakit pa nga ang balikat at kasu-kasuan ko. Kung mag-inarte ang katawan ko ngayon akala mo may pampagamot sa mamahaling hospital e. Bakit dalawa ang kumot ko? Saka iba ang amoy nitong gamit ko. Hindi naman sa mabaho ah. Pero iba kasi sa pabango ko. Siyempre kakapit ang amoy ko sa kumot ko. Someone knocks on the door. “Katelyn, gising ka na ba?” Boses ni Audrey `yon. Bumangon ako para pagbuksan siya. “Hi. Sorry sa magulong buhok.” She sighs. Para namang nabunutan ng tinik sa dibdib ang itsura niya. “Girl, we’re worried. Akala namin may sleeping beauty syndrome ka na.” “May activity ba?” Lagot! Baka high blood ang pakner ko! Baka nag-aabot na ang kilay

