ZHURI used all her connections she had para makalabas ng kulungan. Hindi siya papayag na mabulok sa kulungang iyon. Kung kinakailangan niyang magpakababa para lang mapaniwala sina Rob at Julia na nagsisisi na siya sa ginawa niya, gagawin niya iyon. Hindi siya papayag na siya ang matatalo sa laban na ‘yon. Anak niya si Nathaniel. At hindi pa rin siya sumusuko sa pag-asang mamahalin pa ulit siya ni Rob. Nothing can stop her, even the fact that Rob and Julia already got married. “Ngayon ko lang ‘to gagawin dahil walang ibang magpapiyansa sa ‘yo, Zhuri. But make sure na itatama mo ang lahat. After this, wala ka nang makukuhang tulong sa akin. It’s just you and your decisions now,” mariing sabi ni Jayden sa pinsan at nagmamadali ring umalis ng presinto matapos iyong piyansahan. Naiwan nama

