Kalalabas lang ni Julia ng banyo nang marinig niya ang phone niyang kanina ring nang ring. It’s going to be her final day at work dahil nakapagpasa na rin siya ng resignation letter, effective immediately. Pero kailangan pa rin niyang pumasok para kausapin ang kanilang director at ang papalit sa posisyon niya bilang human resource manager. Napakunot ang noo niya nang mabasa ang pangalan ng personal assistant ng kaniyang ina. And it’s not an overseas call. Ibig sabihin, hindi pa nakakaalis sa Vegas ang mommy niya. Palagi kasi nitong kasama ang PA nito and it’s very unusual na tumatawag ito sa kaniya. “Hello—” “Miss Julia? Miss Julia ang mommy n’yo po!” Kaagad na binundol ng kaba ang dibdib niya. “What happened?!” The next thing she knew, nasa loob na siya ng emergency room. Sa kabila

