NAKAILANG ikot sa harap ng salamin si Julia bago siya nagpasyang lumabas ng kaniyang silid. Naghihintay na kasi si Rob sa sala para sabay na silang pumunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Jayden at Jiara. “Shall we?” Natigilan si Rob nang makita siya. He was speechless for seconds. “Why are you looking at me like that? Hindi ba bagay sa ‘kin ‘tong white dress?” “No, no. Y-You look beautiful in white, babe.” He bit his lip. Umangat ang sulok ng kaniyang labi at nagpigil ng ngiti. Paano na lang kaya kung makita na siya nitong nakasuot ng gown? Pero wala pa naman ‘yon sa isip niya. Ayaw pa niyang magpakasal sila. Saka na lang niya iisipin ang bagay na ‘yon. Maayos namang naidaos ang kasal nina Jayden at Jiara. Dumiretso na rin sila sa reception pagkatapos ng seremony

