NAGDALAWANG ISIP si Jiara kung lalapitan ba niya si Jayden o hindi nang makita niya itong sunod-sunod na ang paghikab. Hinilot nito ang sentido at isinandal ang ulo sa upuan. Tinapik-tapik niya ng daliri ang hita habang pinapanood ito. Jayden was sitting on his swivel chair. May mesa kasi ito sa gilid ng sala. Minsan, doon ito nagtatrabaho, pero madalas, sa opisina nito. Dala siguro ng pagmamadali kaya hindi na ito umakyat pa. Kararating lang kasi nito kanina. Huminga siya nang malalim at naglakas-loob na lapitan na lang ito. “G-Gusto mo ba ng kape, J-Jayden?” Ngunit hindi man lang ito nag-abalang sumagot o mag-angat man lang ng tingin sa kaniya. Hindi kaya ayaw nitong tinatawag lang sa pangalan? Baka lalo lang itong mairita kapag ganoon ang pagtawag niya rito. Hindi naman porke ik

