Halos mapugto ang hininga ni Julia nang unti-unting lumapit sa kaniya si Rob. “No. Are you?” mapaghamon niyang sagot sa binata. Napasinghap siya nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Rob sa leeg niya. Marahan nito iyong hinaplos. His thum slowly traced her skin. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang dilaan iyon ni Rob nang walang pag-aalinlangan. Hindi niya napigilan ang mahinang pag-ungol. Nanlamot ang mga tuhod niya. Hihiga na sana siya sa carpet nang maramdaman niya ang paglayo ni Rob sa kaniya. “Enjoying it, huh?” He chuckled. Kaagad siyang pinamulahan. Umiwas siya ng tingin at inayos ang nagusot na damit. Saka lang niya napagtantong nakalas na pala ang tatlong butones ng blusa niya. “Okay, next body part?” pilyo nitong tanong. “U-Uhh... shoulder,” sagot niya at mulin

