“So, you and Zhuri had split up, huh?” sabi ni Kyce nang tumabi ito sa kaniya.
He chose to be alone on Kyce’s balcony habang nagkakasiyahan ang mga kaibigan nila sa loob. Iniwan niya rin muna doon si Julia na abala sa pakikipaglaro sa anak ni Kyce na si Sheen.
Tumungga siya sa hawak na kopita at marahang tumango. He twisted his lips as he looked at the road, full of lights.
“And you’re cool with that?” usisa pa nito.
Nakangisi siyang humarap kay Kyce. “Are you seriously asking me that? You know we were quits, right? We both cheated at each other. Magkaiba nga lang ng paraan. ‘Yong sa ‘kin, hindi niya alam. Pero ‘yong sa kaniya, nalaman ko, at ginawang dahilan para maghiwalay na talaga kami.”
“Don’t make me sound like I was hurt by that stupid break-up. Our relationship was just to cover up our shits and to fill our needs in bed. Other than that… it was just—nevermind.”
Kyce shrugged. “Because it was Julia all along, and still Julia up until now. Bruh, you’re f****d up.”
Tinapik-tapik nito ang balikat niya.
Naiiling naman siyang hinarap ito. “I just made the biggest mistake in my life, Kyce, but I don’t know. I’m happy with it. I’m f*****g happy with what I did.”
Umarko ang kilay ni Kyce at nagtatakang napatingin sa kaniya. Wari’y hindi naunawaan ang sinabi niya. “Ano bang ginawa mo?”
Huminga nang malalim si Rob at marahas na sinuklay ng mga daliri ang buhok. “I-I… I just made Julia my f**k buddy.”
Nanlaki ang mga mata ni Kyce at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Y-You what?!”
Marahas na napabuga ng hangin si Rob. “You heard it right, Kyce. Pero alam mong hindi ko ‘to sasabihin sa ‘yo kung hindi ko alam na ginawa mo na rin ito noon sa asawa mo bago pa kayo ikinasal.”
Nalukot ang mukha ni Kyce at wala sa sariling nahimas ang manipis na balbas. “Wait—uhh, she agreed to it? Hindi ba siya nagalit?”
“She was angry, but I felt it, Kyce. I felt that she liked it.”
Tumango-tango si Kyce kahit bakas pa rin ang pagkagulat sa mukha. “Sinabi mo na ba sa kaniya na gusto mo siya—I mean, mahal mo na?”
He sarcastically laughed. “Of course, I’ve never dropped that bomb yet. I want her to think this way first. No feelings involved. She knew I had just broken up with Zhuri and she wouldn’t believe me if I told her I loved her.”
“What if—”
“Hey, boys! Nandito lang pala kayo. Mukhang may heart-to-heart talk kayo, ah?”
Sabay silang napalingon kay Ella na asawa ni Kyce. Awtomatiko namang nalagok ni Rob ang natitirang laman ng kopita nang humarap kay Ella. Hindi niya alam kung narinig ba nito ang pinag-uusapan nila pero napansin niya ang kakaibang pagtitig nito sa kaniya.
“Hinahanap na kayo sa loob. Let’s go?” Pagkuwa’y nakangiting aya ni Ella sa kanila.
Nagkibit-balikat lang naman si Rob at tahimik na sumunod sa mag-asawa.
Kaagad namang umayos ng upo si Julia nang matanaw sina Ella at Kyce na kasunod na si Rob. Nag-iwas siya ng tingin at muling ibinalik ang atensyon kay Sheen.
“You want more pasta, baby?” tanong niya sa batang tuwang-tuwa pa rin sa regalo niyang car toys.
Magalang namang umiling ang bata kaya hinayaan na lang niya itong maglaro.
Ilang oras pa silang nakipagkuwentuhan sa mga ka-batch nila ni Rob noon bago sila nag-aral sa States. Marami silang napagkuwentuhan pero isa lang ang napagtanto niya. Sa batch nila, siya na lang ang wala pang asawa at wala pang planong bumuo ng sariling pamilya.
She just couldn’t think of anything else but the salvation of their company, her career, and more. Hindi pa sumasagi sa isip niya ang pag-aasawa.
TAHIMIK na pumasok sa kotse si Julia matapos magpaalam kina Kyce at Ella. Hindi na sila nakapagpaalam pa kay Sheen dahil nakatulog na ito habang nagkukuwentuhan pa sila. Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay ni Rob sa pisngi niya.
“You’re too silent. May problema ba?” Dumukwang ito sa kaniya para ikabit ang seatbelt niya.
Napapikit siya nang maamoy ang pabango nito. Her nose touched his right cheek. At nang bahagya itong humarap sa kaniya ay halos magdikit na ang kanilang mga labi. Napasinghap siya at kaagad na nag-iwas ng tingin. He’s setting the heat in her system again.
“Where to?” Ngumiti si Rob sa kaniya.
“Uh, s-sa mansion na lang,” tipid niyang sagot.
Tumango naman ang binata at in-start na ang engine ng sasakyan.
***
“Bakit ngayon ka lang umuwi? You weren’t staying in your condo.”
Gulat na napalingon si Julia sa gawi ng kaniyang amang noo’y nakaupo sa sofa sa malawak nilang sala.
“I slept in my friend’s—”
“Robert’s condo? Huh! Sa tingin mo ba’y ganoon ako kahina para hindi ko malamang nakikipagkaibigan ka sa isa sa mga anak ni Roland?!”
Napipilan siya sa sinabi ng ama. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at namumulang napayuko.
“Kailan pa kayo naging magkaibigan, ha? O baka naman may relasyon na kayong dalawa kaya doon ka na natutulog sa—”
“We’re just friends, dad!” Taas-noo siyang nag-angat ng tingin sa kaniyang ama. “We’ve been friends since childhood. Hindi n’yo alam, right? No one knew about it because you were too busy with your own stuffs that you didn’t even notice how I needed someone to be with me. That I needed someone I can talk to. Someone I can rely on—not just financially, dad! And obviously, you and mom couldn’t give it me. You couldn’t make time for me!”
Nagtagis ang bagang ng kaniyang ama. “Because I was working hard to keep this family together!”
Napalunok siya. Bigla siyang nakaramdam ng guilt sa sinabi nito. Alam niya kung ano’ng nais nitong iparating sa kaniya. Her mom just stayed for his dad’s money. Iyon kasi ang mahirap sa fixed marriage. Kahit hindi mahal ang isa’t isa, pinipilit pa ring mabuo kahit na ang totoo’y matagal nang sira dahil wala namang pagmamahal na bubuo rito.
“I-cancel mo lahat ng lakad mo bukas. Sasama ka sa akin,” mariin at maawtoridad nitong sabi.
Wala siyang nagawa kundi marahang tumango. Nagpaalam na rin siya rito na papanhik na sa kuwarto niya para makapagpahinga.