Sinulyapan ni Julia ang phone niyang kanina pa ring nang ring. Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan nila at kasalukuyan nang isinasakay sa ambulansyang maghahatid sa daddy niya sa ospital. Rumehistro sa screen ang pangalan ni Jayden. “Ano bang kailangan ng isang ‘to?” Napilitan na lang siyang sagutin ang tawag dahil mukhang wala itong balak na tumigil sa katatawag sa kaniya. She needs to face him dahil kahit anong gawin niyang pag-iwas, kailangan pa rin nitong malaman ang saloobin niya. “Jayden,” walang gana niyang sagot. Sinenyasan niya ang bago niyang driver doon. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at umupo sa backseat ng kotse habang kausap pa rin ang kaniyang ‘fiance’ sa kabilang linya. “You dad’s secretary said you left the country. How about the wedding? You didn’t even inform me

