“They’re looking at us. Parang hindi sila makapaniwala. Were you terrorizing them?” She laughed. Nagkibit-balikat lang naman si Rob habang hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. “Tough boss,” dagdag biro pa niya. “Pero takot sa ‘kin.” Pigil ang ngiting yumuko ito sa kaniya nang makasakay na sila sa elevator. “Who told you that?” She smirked. “Basta alam ko lang.” Pinagmasdan niya ang kabuuan ng office ni Rob nang makapasok sila roon. Mula sa sahig patungo sa ceiling, sa wall, para siyang nasa loob ng isang cabin house sa gitna ng nagtataasang mga puno sa gubat. “Perks of having C.E.O s***h architect in the building, huh?” “Baby, that’s our business. Ikaw? Ano bang gusto mong design ng bahay natin?” Bahay natin. Kagat-labi niya itong nilingon. “Teka nga, sinagot na po ba

