Chapter 1: Bully

2086 Words
"You need to transfer."madiing sabi sakin ni dad. Tumingin ako sa kanya ng masama. "Transfer na naman?"iritang tanong ko. "Ano ba dapat ang gusto mo? Ikaw gumagawa ng paraan para magtransfer ka kung saan saan! Lahat na lang ng school lagi kang may record! Lagi kang nakikick out! What the hell is wrong with you? Gusto mo basagulero ka na lang lagi?! Gusto mo dun ka sumama sa mga kaibigan mong mga basagulera?! I told you before Fuchsia!! That don't do it again! Don't go into fights! Wala akong anak na katulad mong ganyan!!"galit na sigaw niya sakin. Hindi ko mapigilang mabadtrip sa sinasabi niya. "Edi wag mo kong pag aralin. Simple as that ang dami mong kuda."ngising sabi ko sa kanya. Ramdam ko ang pagkabigla niya pero nagbago ang ekspresyon niya. Umuusok na siya sa galit. *BLAAAG!!* Isang napakalakas na sapak ang natanggap ko. Sobrang sakit at sobrang hapdi. Nalasahan ko ang dugo. Hinawakan ko yun at hindi nagpahalatang masakit yun. "Walang kwentang ama."ngising sabi ko at tinalikuran siya. "Walang kwenta? Sige. Lumayas ka ngayon sa harap ko! Kunin mo lahat ng gamit mo dito at ayoko ng makita ang pagmumukha mo naiintindihan mo?!"galit na sigaw niya. Hindi na ako sumagot at naglakad na. Paglabas ko ng office ni dad--- teka dapat ko nga ba siyang tawaging dad? Palagay ko hindi na. Tsk. Frank? Hahaha. "Mukhang nakatikim ka na naman sa tatay mo. Sinasabi ko sayo magtino ka. Yun lang naman ang gusto niya bakit hindi mo magawa?"pagsesermon sakin ng mama ko. "Nag aaral ako ng mabuti, lahat ng subject ay napeperfect ko. At ang gulong napapasokan ko hindi ko ginusto yun, sila mismo ang lumalapit. Hindi niyo ako naiintindihan at lalo na ang asawa mo dahil wala sakin ang atensyon niya."ngising sabi ko. Hindi ko alam kung maiiyak siya o ano. Pero alam kong galit din siya. Sabagay sino ba naman ako para kampihan niya? Stupid me. "Sige na aalis na ako."paalam ko at naglakad na. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Wala naman silang maiintindihan sakin eh. Kahit mag explain ako. Wala ding kwenta dahil hindi sila naniniwala. Kasi tingin nila sakin masamang tao, masamang babae, basagulero. Oo dati ganun ako. Pero hindi na ngayon. Nagbago ako, umiwas ako. Pero nakakatuwa nga namang hinahabol ako ng g**o? Tsk. Pumasok na ako ng kwarto ko at kinuha ang maleta ko. I can live by my own. I don't need them. Kahit naman andito sila sarili ko lang binubuhay ko. Ni hindi ko tinatanggap ang perang pinapadala nila dahil baka isumbat pa nila. Saktong napatingin ako sa salamin. Tsk. Kinuha ko ang bb cream ko at nilagyan ang mga pasa ko sa mukha. f**k this life. Pagtapos ko dun ay inayos ko na ang gamit ko sa dalawang maleta. Mga mahahalaga lang kinuha ko. Hinila ko na yun at lumabas ng kwarto ko. Saktong nakatayo sila. Nakatingin sakin. Hindi na ako nag abalang magsalita at naglakad na. Kahit naririnig kong may sinasabi siya, hindi ako lumingon. Hindi ako nakinig. Nilaksan ko lang ang volume ng ear pods ko. Nakarating ako sa kotse ko at nilagay ang gamit ko sa likod. Subukan nilang kunin to, at lalaban na ako. Pinaghirapan ko to sa sarili kong pawis. Walang alinlangang umalis ako dun at dumiretso sa lugar ng kaibigan ko. Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot. @Condo Pinindot ko ang screen para malaman niya na may tao sa labas. Wala pang limang segundo binuksan niya na ang pinto. Nagulat siya sa itsura ko at sa dalawang maletang nasa tabi ko. "What the? What's wrong?"nag aalalang tanong niya. "Eh kung papasokin mo muna kaya ako?"pagsusungit ko. "Ito talaga mukha ka na ngang pinalayas nagsusungit kapa."nakangusong sabi niya kaya umiling na lang ako. Pumasok na kami ng condo niya at tinulungan niya akong ipasok ang maleta. "Pinalayas ka?"tanong niya. "Hindi ba halata?"pagsusungit ko. "PMS!"natatawang sabi niya. "Tsk. Dito ako titira."diretsahang sabi ko. Makapal mukha ko eh bakit ba? "What?!"gulat na wika niya. "Bakit bawal ba?"tanong ko. "May sinabi ba akong bawal? Nako ka! Sungit mo sarap mong ingudngud sa harina ha. Teka ano naman yang nangyari sa balikat mo? At yang kamay mo tsaka yang--"sabi niya at tinuturo pa ang katawan at mukha ko. "Pagod ako matutulog na muna ako."walang ganang sabi ko. "Ahm sige. Alam mo naman welcome na welcome ka sakin eh."natatawang sabi niya. Nginitian ko na lang siya at pumasok sa kwarto na tinutulugan ko lagi. Kapag mag kaaway kami nila Dad--- Frank. Dito ako natutulog kela Berrica. She's my bestfriend. My childhood friend. My best buddies. Kaya sanay na kami sa isa't isa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Zzzzzzzzzzz.... Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. "Wake up sleepyhead."rinig kong sabi ni Ica (Berrica) dahan dahan kong dinilat ang mata ko. At nakita kong nakapang uniform siya. "Good morning!"bati niya sakin sakin. "Morning too. Teka papasok ka?"tanong ko. "Tayo."sabi niya. Kumunot ang noo ko kaya tumayo na ako. "Nakatayo na ako."sabi ko at bigla naman siyang natawa as in hagalpak. May pahawak hawak pa sa tyan at halos magpagulong gulong sa kakatawa. Nakakatawa yun? Tayo nga diba? "Boploks ka hahahahaha."natatawang sabi niya. Huminga muna siya ng malalim. "Okay, sabi ko tayong dalawa papasok. Hindi tayo."natatawang sabi niya. "Ako papasok? Siraulo kaba? Ng walang enroll enroll?"natatawang sabi ko sa kanya. "Don't worry may kapit ka!"ngiting sabi niya. Nabigla ako ng hilahin niya ako at pinasok sa banyo. Muntik pa akong madulas potek. Pagtapos ko maligo nagsuot na ako ng tuwalya. Pumunta ako sa sala para hanapin ang maleta ko kaso wala yun dun. Pumasok ako ng kwarto at andun si Ica na busy sa pagpaplantsa. "Hoy ano yan?"takang tanong ko. "Uniform ano paba?"sarkastikong sagot niya. "Alam kong uniform yan pero bakit ka nagpaplantsa?"tanong ko. "Para sayo, susuotin mo sa school."sagot niya. "Chanan!"ngiting sabi niya ay inangat ang uniform at palda. Nanlaki ang mata ko dahil maikli yun. Kasing ikli ng palda niya kaloka! Nagpapalda naman ako pero di naman ganyan kaikli. "Aba! Grabe naman yan!"reklamo ko. "No choice ka, pagtyagaan mo muna hihi. Sige na malelate na tayo."sabi niya at sinampay na ang uniform. Umiling na lang ako at nakita ko ang gamit kong nakatupi sa kabinet. Talagang nag aba pa siya ha? Sweet haha. Nagsuot na ako ng b*a at panty dahil lumabas nadin naman siya. Nagsuot nadin ako ng cycling dahil baka makita pati singit ko dito. Maikling palda na kulay pula, white uniform, black coat and red neck tie. Sinuot ko nadin ang medyas kong puti na hindi aabot ng tuhod. Kinuha ko nadin ang nike shoes ko. Tss ayoko magtakong baka matumba pa ako. Paglabas ko ng kwarto nakaabang na si Ica at gulat na gulat sa itsura ko. Pataas hanggang baba ang tingin niya. "What the? Uniform tas nakashoes? Loka loka lang?"natatawang sabi niya. Inismiran ko lang siya. Dala ko ang bag ko. Nagkwentohan kami hanggang makababa kami ng parking lot. "Sundan mo na lang ako okay?"sabi niya at tumango ako. Nauna siyang lumarga at sumunod na ako. Sabi niya may kapit daw siya sa school at mapapadali ako pagtransfer ko. Kaibigan niya daw ang anak ng may ari ng school kaya basic lang daw na makapasok ako dun. Ang school na pinapasokan nila ay puro mga bully at tarantado ang tao. Kaya bagay na bagay daw ako dun dahil yun ang reklamo lagi ni Frank sakin. Tsk tsk. Nakita kong pumarada siya sa parking lot. Bumaba nadin ako pagkapark ko. Nagulat pa ako dahil sa itsura ng school na to. Hindi ko iniexpect na ganto kaganda at kalaki ang papasokan ko. Iniisip ko kasi, sirang gate, panget na building. Sabagay bakit ba ganun inimagine ko? Dun nag aaral si Berrica. Sobrang yaman kaya nun tas sa cheap papasok? "Ang laki no?"pagmamayabang niya sakin. Tumango na lang ako dahil totoo naman. Sa sobrang dami ko ng napasokan, ito lang ang pinakamalaki eh. Hinila niya na ako sa harap ng gate. Sobrang daming estudyante, mukhang maarte ang mga to, at karamihan sa kanila may mga tattoo ang iba ay wala pero maangas kong titingnan. So totoo ngang mukhang pangbasagulero ang tao dito tsk. Habang naglalakad kami di maiwasang may bulungan. 'Ang ganda talaga ni Berrica no?' 'Sinabi mo pa pre.' 'Teka sino naman yang kasama niya? Mukhang bago lang?' 'Nako mukhang may bago na namang pagtitripan sila Diablo ah' Rinig kong sabi nila. What? Diablo? Baho ng pangalan. Tsk. "Wag mo silang pansinin, dumikit ka lang samin di ka nila gagalawin."ngiting sabi ni Ica kaya tumango ako. Nakarating kami sa isang Principal Office. Dire diretso siyang pumasok dun at bumungad sakin ang isang magandang may brown na buhok. Pagkakita niya samin ay ngumiti siya at bumaling ang tingin sakin. "Siya na ba?"tanong niya kay Berrica. "Yes, alam mo naman siguro gagawin?"tanong niya sa babaeng yun. Ano daw? "Yes of course. Maaasahan moko jan. Hi, my name is Amethyst or you can call me Ame."ngiting sabi niya at nakipagkamayan sakin. Kinuha ko naman yun at nagpakilala. "Fuchsia Karma."pagpapakilala ko. "Karma?"tanong niya at akala mo gulat sa pangalan ko. "Yes Karma sis."natatawang sagot ni Berrica. "Nice name."natatawang sabi niya. Tumango na lang ako. "Ako bahala sayo, enroll kana dito."sabi niya na labis ko naman pinagtaka. "Anak ako ng may ari ng school na to. Ako back up mo."ngising sabi niya. Nag usap pa sila dun at nakinig na lang ako sa kanila wala ako sa mood makipag usap sobrang sakit padin ng panga ko dahil sa sapak sakin ng magaling kong ama. "Hello Mrs. Q.A."bati nilang dalawa sa babaeng nakatayo sa harap namin. "Bakit andito pa kayo? Hindi ba dapat nasa room kayo?"tanong niya. May binulong sa kanya si Amethyst at lumabas na kami. Nakarating kami sa room at aaminin marami ang buildings and student dito. Kaso mukhang barumbado. Hindi ako pumunta dito para makipag away. Andito ako para magtapos at patunayan sa tatay ko na kahit ganto ako kaya kong mag aral ng hindi kailangan ng pera niya tsk. Dumiretso kami sa maingay na classroom, o sabihin na nating maingay lahat ng mga studyante dito pero mas maingay sa tapat namin. Pagkakita nila kay Amethyst ay natahimik silang lahat. Sabagay sila ang may ari ng school na to. Pumasok na kami sa room at nasa harapan kaming tatlo. Siya ang bago ninyong kaklase. Walang kung sino man ang pwedeng gumalaw sa kanya dito dahil kaibigan ko yan. Kung ayaw niyong patalsikin ko kayo."malamig na wika niya. Tumango lang sila mapalalaki at mapababae. Umupo na kami sa pinakadulo. Dumating ang ibang mga teacher at nakilala naman nila ako. Tapos ay nagdiscuss kahit sobrang ingay ng ibang studyante. Tss. Kawawang mga guro. "Okay class dismiss. You may now eat."sabi ng teacher namin na babaeng masungit at lumabas na. Dun na nagwala ang mga kaklase ko. "Let's go? Break time na."ngiting sabi ni Ica. Tumango ako at naglakad na kaming tatlo. Lahat ng taong madadaanan namin ay nagtitinginan. At nagbubulungan at higit sa lahat wala akong pakealam sa sinasabi nila. Pagpasok namin sa cafeteria, maganda ito, malawak, malinis, hindi katulad ng inaakala kong madumi. Umupo na kami at may umasikaso aamin mukhang natataranta pa. "Anong gusto mo Karma?"natatawang tanong sakin ni Ica kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko sa lahat tinatawag ako sa pangalan kong yan. "Kidding."sabi niya sabay peace. "Kung anong gusto mo yun nadin ako."simpleng sabi ko at tumango naman siya. Sinabi naman niya yun at umalis na ang nag asikaso samin. "CR lang ako."paalam ko sa kanila. Tatayo pa sana si Amethyst pero pinigilan ko na. "Ako na lang mag isa don't worry di ako mapapaano."matipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Kaya niya yan Ame."ngiting sabi din ni Ica sa kanya kaya bumuntong hininga siya at umupo na. "Magsabi na sakin kapag may ginawa sayo ha?"sabi niya kaya tumango ako at naglakad na. Nakarating ako sa building namin dahil ito lang ang alam kong banyo dito. Humarap ako sa salamin pagtapos ko umihi at naghilamos. Pagtapos ko dun ay lumabas na ako. Hahang naglalakad ako may nakasalubong akong lalaking nakatayo sa harap ko pero dinaanan ko lang siya ng hindi tumitingin sa kanya. Puro mga tinginan at bulungan sila. "Lagot siya." "Bakit kasi dinaanan niya lang?" "Nako talaga." Tss. Nagdiretso ako sa paglalakad at nakaramdam ako ng ano mang paparating sa likod ko kaya agad kong hinawakan yun kahit nakatalikod ako. Bato? Tss. So cheap. Hinarap ko ang bumati sakin at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Binagsak ko ang bato at walang ganang tiningnan siya at naglakad na. Stupid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD