Kabanata 2

3087 Words
“Totoo ba, Lace? Binabasa mo ang mga ‘to?” pagtatanong ni Mommy habang nakayuko ako sa kaniyang harapan. Nasa sala kami nang tinanong niya iyon sa akin. Kitang-kita ko kung paanong hawak-hawak niya iyong mga libro na galing sa library nina Anwen! “M-Mommy... hindi ko po talaga—” “Lace, alam mong sayang lang ang oras mo sa ganito, hindi ba? Marami namang libro diyan na mas dapat mong pagtuunan? Why indulge in this—” May bakas ng pagkadismaya at disgusto na rin sa boses ni Mommy. “Hindi mo dapat pag-aksayahan ng panahon ang mga bagay na ‘to. This is just making your imagination wilder, sa paraang hindi pa naman nararapat sa isang batang katulad mo!” Lalo kong napaghawak ang aking mga kamay at yumuko. Nagpatuloy si Mommy sa pagkausap sa akin tungkol sa bagay na iyon. Hindi na ako sumagot at hindi na rin nanlaban. What else is there to explain? Kahit naman sabihin ko ay ayaw rin nilang maniwala. Hindi ko rin akalaing ganito ka-big deal ang bagay na ‘yon sa kanila? Nagbabasa naman na ako noon pa kaya hindi ko alam kung bakit... Habang pinagsasabihan ako ni Mommy, nakita ko si Ate Ellie na lumabas mula sa kaniyang kwarto. Tumalim agad ang tingin niya sa akin at umirap. Mukhang galit pa rin siya at inis doon sa nangyari. “Your Ate Ellie is right. These things aren’t for your age,” sabi ni Mommy. Huminga ako nang malalim at tumango na lamang. Hanggang makalabas si Ate Ellie sa bahay ay hindi man lang siya nilingon ni Mommy. Hapon at oras ng siesta. Siguro pupunta si Ate Ellie sa mga De Realista. “Opo, Mommy, sorry po ulit,” sabi ko habang nakayuko pa rin nang biglang may tumapik sa aking bandang ulo. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Daddy. “Ano bang mali sa mga iyan, Amelie? Matalinong bata si Lace. Hindi naman iyan agad-agad magpapaniwala sa mga mababasa. Hayaan mong maglibang ang bata.” May gaan lamang sa boses ni Daddy at animo’y pinagtatanggol ako. Ginulo niya ang aking buhok habang ngumiti kay Mommy. Mom rolled her eyes as she sighed. Dumiretso na si Daddy sa rocking chair. Mahilig siyang maupo roon habang nagbabasa at nagkakape. Hinarap siya ni Mommy habang minuwestra ang mga maliliit na libro, kaya nakuha ko ang pagkakataon para sumilip doon sa bintana at nakitang palabas na si Ate Ellie sa gate. Kinagat ko ang aking labi. “Really, Miguel, huh? Tingnan mo nga iyan, mabuti nga at sinabi pa ni Ellie na nagbabasa niyan si Lace!” sabi ni Mommy. Bumuntonghininga naman si Dad kaya nang binalik ko ang tingin ay nakita ko kung paanong hindi man lang ‘yon pinagkakaabalahang tingnan ni Daddy. “These are creative pieces, darling. I’m sure Lace will get by. She’s smart,” sabi ni Daddy na buo ang kumpyansa. Nagbuga na lang ng hangin si Mommy. Ngumiti lang ako kay Dad ngunit nang dumako ang tingin ni Mommy habang nanlalaki ang mga mata sa akin ay agad kong tinikom ang bibig ko. “Ewan ko sa inyong mag-ama!” Hindi ko naman talaga alam na may ganoon doon. Nakabasa na ng iilan pero kung may ginawa man ang mga karakter doon ay halik lang. At sa ending pa! I don’t know if I really just picked those at first by luck, tapos nagkataon lang talaga na ‘yon ang nabuksan ni Ate Ellie at binasa sa harapan ng lahat. “Mommy, pwede po akong lumabas?” tanong ko. May usapan kami nina Anwen at Novalie, pupunta ulit kami kina Anwen. Wala naman kasing pasok bukas at maaga kaming nakauwi ngayong araw. Hindi ko alam kung ganoon din ba kay Ate Ellie. Hindi ko rin alam kung ano-anong takbo ng araw niya. May sarili kasing mundo si Ate Ellie at ayaw na pinapakialaman ang kaniyang mga nais gawin. “At saan ka naman pupunta?” tanong ni Mommy habang nagtitimpla ng kape at kumain ng meryenda. “Doon po kina Anwen, Mommy. Doon na rin kami mag-aaral, at review,” sagot ko habang inaayos na rin iyong dadalhin kong mga notebook. Tatanggi pa sana si Mommy dahil mas mabuti raw na rito na ako mag-aral at mas makakapag-focus ngunit kalaunan ay nagsalita si Daddy na payagan na raw ako. Wala na ring nagawa si Mommy dahil close talaga kami ni Dad. “Thanks, Dad! The best ka talaga,” ngiti ko nang yumakap. Yumakap na rin ako kay Mommy. Pinadala niya sa ‘kin ang mga libro at ibalik ko raw iyon agad kina Anwen at huwag na huwag na akong kukuha pa roon kaya tumango ako. Hindi kami ganoon kayaman. We have a humble home in this town. Pamana pa kay Daddy ang lupa rito at gamit ang pinagsikapan at pinagtrabahuang pera ay naipundar naman nila ni Mommy ang bahay namin. Hindi iyon ganoon kalaki o kaengrande tulad ng mga mansyon at iba pang mayayaman dito sa Montel del Viento, but it’s enough to shelter the four of us. Dito na kami lumaki ni Ate Ellie and growing up, our parents worked hard to provide for us. Nagsikap din sina Daddy at Mommy na pag-aralin kami ni Ate Ellie sa maayos na paaralan. Isang abogado si Daddy, while my mother is working in a company bilang isang finance manager. May iilang family business din kami kaya hindi naman namin kailangang maghirap pagdating sa mga pangangailangan. Our parents are also not materialistic. Simple lang din si Mommy, but she’s very classy and prim. Iyong tipo rin na hindi nagpapaapi sa kahit kanino, at sabi nila ay namana raw ‘yon ni Ate Ellie. They are both sharp-witted! Samantalang ako naman, mas namana ang pagiging tahimik ni Daddy. He’s the kind who doesn’t easily get shaken by problems. Kung may mga nangyayaring hindi umaayon sa plano, hindi agad-agad nababahala si Daddy. Maybe that’s the reason their marriage lasted. They are the perfect pair. Kinukumpleto nila ang wala sa isa at pinupunan iyon. “Oh, Lace, nandito ka pala?” Ang mommy ni Anwen na mukhang galing sa kusina at may dalang pagkain. Papasok pa lang ako sa sala nila dala ang notebook at mga libro. “Magandang hapon po, Tita. Si Anwen po?” tanong ko at pumasok na. Lagi kaming nanditong magkakaibigan kaya sanay na ang parents ni Anwen. “Si Anwen? Nasa tita niya, Lace. Hindi niya ba nasabi sa iyo?” balita nito kaya nagtaka ako. Pero may usapan kaming mag-aaral daw rito? Si Anwen pa nga ang nagyaya! “Biglaan din kasi ‘yon dahil umuwi ang kapatid ko kanina, alam mo naman ‘yon, paborito si Anwen at spoiled doon, kaya ‘di niya mapagpaliban,” ngiti ni Tita. “Halika, tuloy ka muna tutal nandito ka na.” Kinagat ko ang labi. “Ganoon po ba? Si Nova po? Hindi pa po pumunta rito?” Sumunod na rin ako sa sala. Naisip kong nandito na si Nova dahil may pameryenda si Tita Winnie? Kaso lang, pagdating doon sa kanilang sala, sa halip na ang kaibigan ang madatnan ay iba ang nakita kong nandoon! “Nakita ko si Ruby kanina. Papunta raw sa mga De Realista at baka kasama si Nova?” sagot pa ni Tita Winnie pero ang tingin ko ay napukol na roon sa sala. Imbes kasi na si Nova ang makita, isang pamilyar na donya ang naroon bilang bisita nina Anwen, walang iba kundi si Ma’am Nerissa, ang maybahay ni Don Leocadio, ang donyang De Realista! Natutop ko agad ang aking bibig lalo nang makitang hindi lang nag-iisa si Ma’am Nerissa. Nandoon din si Kuya Lovian! Hindi ko na nasagot ang mama ni Anwen dahil napukol ang tingin sa mga bisita niya. Bigla akong tinablan ng hiya. What now, Lace? Magpaalam ka agad at umalis na! Hindi na rin ako makakapagtago dahil narinig nila ang pag-uusap namin ni Tita Winnie. Nag-angat agad ng tingin si Ma’am Nerissa at ganoon na rin si Kuya Lovian. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan dahil nandoon din ang asawa ni Tita Winnie, ang papa ni Anwen. Parang may seryosong diskusyon. Lalong humigpit ang hawak ko sa aking mga dala, parang matutupi pa yata ang tuhod ko lalo nang ngumiti sa ‘kin si Ma’am Nerissa! “Lace! Ikaw nga ba ‘yan? Parang ngayon lang ulit kita nakita?” Hindi agad ako makangiti, pero sinikap ko at pinanatiling kalmado ang ekspresyon/ “M-Magandang hapon po. Kayo po pala, Ma’am Nerissa.” Most of the town’s people call her Donya Nerissa, pero para sa mga nakakasalamuha niya ay mas gusto niyang tawagin na lang na ‘ma’am’ dahil masiyado raw pormal ang donya. Kaya nasanay na rin kami na iyon ang tawag kay Ma’am Nerissa, while his husband remains to be called Don Leocadio. Napatingin din ako kay Kuya Lovian. Kausap ito ng papa ni Anwen at mukhang may kinalaman sa lupain o tungkol dito sa probinsiya ang pinag-uusapan nila. Bago pa muling tumingin si Kuya Lovian sa aking direksyon ay bumaling na ulit ako kay Tita Winnie. Nilalapag niya ang meryenda at juice sa center table. Nakakahiya. Naramdaman ko bigla lahat ng hiya lalo noong maalalang dala-dala ko nga pala ‘yong mga libro, agad ko pang tinago ang cover ng kinuha ni Ate Ellie at binasa sa harapan nilang lahat noong nakaraang araw. Lumunok ako. “Uh, kung ganoon po, ibabalik ko na lang po itong mga libro na h-hiniram po namin nina Nova.” Tiningnan ni Tita Winnie ang mga dala ko. Nagulat siya. “Oh, bakit binalik mo na ‘yang lahat? Natapos mo nang basahin?” Nasa ibabaw na iyong mga english books dahil nga tinago ko ang mga nasa ilalim. Basta’t makapunta ako sa library nila ay maibabalik ko ito. “Opo,” sagot ko na lamang. Ngumiti naman si Ma’am Nerissa. “Mahilig ka rin palang magbasa, Lace?” manghang tanong nito. Ngumiti ulit ako at tumango, hindi man lang halos makasagot lalo na’t mukhang sumulyap na rin si Kuya Lovian sa mga librong dala ko. Sana hindi niya nakitang tinago ko iyong cover. Baka isipin niyang guilty nga ako? Na totoong binabasa ko iyon! “Nagbabasa po, kapag free time,” sikap kong sagot kay Ma’am Nerissa. “Wow, you must be really smart!” “Matalino talaga ‘yang si Lace. Mabuti nga at katulad niya ang kaibigan ni Anwen, kaya panatag ako dahil good influence ‘tong si Lace,” tila proud na sabi ni Tita Winnie. Nangislap ang mga mata ni Ma’am Nerissa. “You should come to the mansion, then, hija. Marami ring libro doon. Hindi naman nagagamit dahil wala namang nagbabasa sa bahay. Maybe you’ll like them. You and your friends can take it,” sabi ni Ma’am Nerissa na kung normal lang na sitwasyon ‘to ay baka namilog nang husto ang mga mata ko! But then, I was stopped when I felt Kuya Lovian’s seriousness. Masungit naman talaga siya sa totoo lang. Kaya nga bilib na bilib sina Anwen at Nova, kung paano nakuha ni Ate Ellie ang katulad ni Kuya Lovian na tahimik, suplado, at parang laging seryoso sa buhay. Pero hindi ako magtataka. Maganda at matalino si Ate Ellie. Swerte rin sa kaniya ang kahit sino! “Oh, narinig mo ‘yon, Lace? Mas maraming libro doon tiyak! Kaysa rito na kailangan mong ibalik dahil hahanapin ‘yan ng tita ni Anwen.” Si Tita Winnie. Ayos lang naman sa ‘kin ‘yon. Humiram at ibabalik din! Kaso lang, hindi ko na ‘yon magagawa dahil simula sa araw na ‘to, hindi na ako pwedeng magbasa ng mga love story. Ayaw ko rin namang magalit at mainis sa ‘kin si Ate Ellie, pati na rin si Mommy. May point din naman siya na pagtuunan ko na lang ‘yong mga textbook sa eskwelahan. “Thank you po, Ma’am Nerissa, pero ayos lang po. Busy na rin po, sa ngayon...” sabi ko na lamang dahil baka ay isipin naman ni Ma’am Nerissa na initsapuwera ko agad ang kaniyang imbitasyon. “There are better books than that,” biglang komento ni Kuya Lovian sa seryosong boses. Napalagok tuloy agad ako! Akala ko hindi siya magsasalita. Kaya ngayon nakaramdam agad ako ng kaba dahil hindi alam ng mama ni Anwen na kumuha nga kami ng ganitong uri ng babasahin! Namutla agad ako at napapakurap ang tingin kay Kuya Lovian. He’s sitting like a prince—no, like a king, lording over the sala. Seryoso ang mukha nito at ang tingin ay nasa libro na halos yakapin ko nang husto para itago. “Oh! Bakit? Anong mga libro ba ‘yan, Lace?” tanong tuloy ni Tita Winnie. Kagat ko na ang labi ko. Nakakahiya na talaga ‘to. Baka pagsabihan din nila ako ngayon mismo at hindi na rin makakahiram ng kahit na anong libro sa bahay na ‘to! Kaso bago pa tingnan ni Tita Winnie iyon, nagsalita ulit si Kuya Lovian. “Latest editions of those textbook. Those are considered old,” medyo malamig niyang sabi na normal na. Ngumiti si Ma’am Nerissa. Yumuko ako nang kaunti para mas itago ang mga title lalo na’t halata ngang love story ‘yon, kaya hindi ko na rin talaga masisi si Ate Ellie kung nadismaya siya. She’s never fond of reading. Not a big fan of art. Ang gusto niya ay makapunta sa New York at maging isang magaling at kilalang model doon. To her, art is basic, dahil halos lahat naman daw ay kayang gawin ‘yon kung gustuhin. But to be a top model is something not all people can do, kaya iyon ang kaniyang gusto. Nirerespeto ko ang opinyon ni Ate Ellie, but still, I have my own. And I feel like she’s belittling the artists who give colors to this sad world. “Ang dami niyang librong isasauli mo, Lace. Why don’t you accompany her for a while, Jaxon? Hindi naman tayo nagmamadali,” sabi ni Ma’am Nerissa na halos ikaipit ng paghinga ko. Hindi pa nakakasagot si Kuya Lovian, umiling na agad ko. Nakakahiya! At isa pa, baka mainis din siya tulad ni Ate Ellie. “Hindi na po! Kaya ko naman po,” agad kong sinabi dahil kaya ko naman talaga. “Sige na, Lace. Mabigat ‘yan at sa taas pa nakalagay,” sabi ni Tita Winnie sabay turo sa mabibigat na libro. Bago pa ako tumanggi ulit ay tumayo na rin naman si Kuya Lovian. Mukha ngang hindi sila nagmamadali dahil kakarating lang ng meryenda. At bakit nga pala nandito sila? Hindi ba’t umalis si Ate Ellie at pumunta sa mansyon nila? Kaya bakit nandito si Kuya Lovian? “I’ll be back,” kaswal na sabi ni Kuya Lovian. Boyfriend naman ito ni Ate Ellie kaya parang kuya ko na rin siya. Isa pa, he’s a busy and serious young man! Wala siyang panahon para sa mga kapritso ko. Oo na, napahiya ka na, Lace. So what now? There is so much more than young mistakes! But then, I feel like a fool. Lumabas kami sa sala habang naiwan doon ang mga matatanda. “Do you know where it is?” tanong ni Kuya Lovian, tinutukoy ang library. Tumango agad ako sa pagkailang. “Ayos lang, Kuya. Ako na ang—” “It’s alright. Just tell me where the library is,” sabi niya kaya napalunok ulit ako at pilit kinakalma ang kahihiyan. Tumango ulit ako. Bagsak ang mga balikat at pinapaalala sa sarili na hayaan na kung anong isipin nila, basta’t alam ko ang totoo sa sarili. Pero siyempre... nakakahiya pa rin! Tuluyan kaming nakarating sa library. Pinatong ko ang mga libro sa isang mesa. Kinuha rin naman agad ni Kuya Lovian ang mga hiniwalay kong textbook na magkakauri. Pinabalik na ni Mommy lahat-lahat ng libro. Kung may kailangan ako, bumili na lang daw kami. Ayaw niya na akong maglagi rito sa library. Ako na ang nagbalik sa maliliit na libro lalo na’t ako ang may alam kung saan ‘yon nakalagay. I bit my lip because I really want to read these so much. Siguro kapag tumuntong sa tamang edad ay pwede na. Sa ngayon ay iyong mga mas importante muna! Pero nalulungkot pa rin ako lalo nang binalik na ang mga ‘yon doon nang biglang magsalita si Kuya Lovian. Naibalik niya na agad iyong mga makakapal na libro. “Lace,” seryoso niyang tawag kaya napalingon ako. Medyo naka-squat ako para malagay sa babang shelf ang mga libro, animo’y yakap ang sariling mga tuhod ko. Kaya nang tumingala, parang higante si Kuya Lovian. He’s so tall and firm, none of men my age looked like him. Siguro dahil na rin sa De Realista siya. Kilalang-kilala sila sa bayang ‘to at parang isang mamahaling pabango ang pangalan nila. “P-Po?” tanong ko. “Did you already talk to Ellie?” tanong niya kaya napakurap ako. Tumayo na rin ako matapos ilagay ang mga libro. Talk about what? Siyempre ay nag-uusap naman kami at magkasama sa bahay! “Tungkol po saan?” medyo kabado kong tanong. Kaso lang, sa halip na sumagot, mas naging seryoso pa yata siya. His adam’s apple moved up and down. Medyo gumalaw rin ang panga at tila humigpit ang hawak sa isang natitirang libro na naiiba sa mga librong naibalik niya na. “Nothing. Forget about it,” sabay iwas niya ng tingin at hinga nang malalim. “Where should we put this?” Nagtataka man ay hinayaan ko na lang din. Nilinga ko ang tingin sa paligid at tinuro iyong isang shelf kaya tinungo ni Kuya Lovian. Pinanood ko na lang kung paanong walang kahirap-hirap niyang binalik ‘yon kahit sa mataas na pwesto dahil sa kaniyang tangkad. Iniwas ko ang tingin bago pa siya pumihit. Tiningnan ko iyong mga librong kapantay ng aking mga mata. “So, you’ll never read again?” Kinabahan agad ako at napatingin kay Kuya Lovian. Kulang na lang ay yumuko ako! “Uh, m-magbabasa pa rin po, para sa school,” sagot kong pilit gawing pormal. Alam niya na iyon agad. Tumango na lang si Kuya Lovian. “That would be better. Focus on your studies. Iyon lang dapat.” Iyon din sigurado ang concern ni Ate Ellie. Siguro pinag-usapan nila dahil naiinis si Ate Ellie sa naging pagpapasaway ko. Kaya pati si Kuya Lovian ay pinagsabihan na rin on behalf of Ate Ellie who’s getting stressed because of me. “O-Opo, Kuya,” napalunok kong sagot...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD