CHAPTER 1

2226 Words
ALAS-KUWATRO y media na at kasalukuyang inaayos ni Jillian ang mannequin sa display window ng Tropical Wardrobe store na matatagpuan sa third-floor ng SM Megamall, nang dumating si Roxy. “You need to pack your clothes because you’re going to stay in my place tonight,” bungad ni Roxy sa kaniya pagkasilip nito sa pintuan ng display window. Pinangunutan niya ito ng noo nang saglit niya itong sinulyapan habang inilalagay niya ang bandana sa ulo ng babaeng mannequin. “Hindi ako na-inform na pinapalayas na pala ako sa apartment ko,” sarkastikong wika niya nang ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa ginagawa. “Loka!” anito saka siya inirapan. “Tapusin mo na ‘yan, I’ll wait for you here,” anito saka siya nito iniwan. Pasado alas-singko na nang matapos siya trabaho. Isa siyang visual stylist samantalang si Roxy naman ay isa sa mga Assistant Executive Manager ng The Fashion Galore Company, isa sa pinakamalaking retail fashion company na may hawak sa dalawampu't walong clothing and fashion brands sa bansa at mahigit isandaang store na nagkalat sa iba't ibang malls at lugar sa bansa. Si a.  “Bakit ba napadpad ka na naman sa trabaho ko? Baka kung ano na naman ang i-tsismis ng mga nasa store at sabihing malakas ang kapit ko kaya—” tanong niya kaagad rito nang ganap na silang makalayo sa boutique.  “Never mind them,” pagbabalewala ni Roxy sa sinasabi niya bago ito umangkla sa braso niya. “You’ll come with me tomorrow morning,” umpisa ni Roxy habang binabagtas nila ang daan papunta sa escalator. Awtomatiko siyang napatigil sa paglalakad pagkarinig sa sinabi ng kaibigan at saka napabaling dito. Roxy is her best friend, pero pagkatapos ng muntik na niyang pagkamatay mahigit isang taon na ang nakararaan ay mas naging protective ito sa kaniya. Madalas ay ipinapasundo pa siya nito sa driver nito para ihatid siya sa bahay niya kapag out of town ito o ‘di kaya ay hindi makauwi nang maaga dahil sa trabaho. Ilang beses na nga silang napagkamalang mag-dyowa dahil sa ginagawa nito sa kaniya, bagay na tinatawanan lang nito dahil mas alam naman kasi nila ang totoo.  Isang lalaki lang talaga kasi ang gustong-gusto ni Roxy at hindi makuha-kuha kaya nga kahit literal nang nagmamakaawa ang magulang nito na mag-asawa na ang anak ay hindi talaga ito mapilit ng mga magulang.  Para sa kaniya, tila ba natsa-challenge lang ang kaibigan niya sa bar tender na iyon. Pero ngayon, kulang na lang ay maging stalker si Roxy ng lalaki bagama't hindi pa naman umaabot sa ganoon ang kaibigan niya. They would always just go to the bar where he works para lang masilayan ito ni Roxy. Tanging pangalan lang ng lalaki ang alam nila. Adam. At natatawa siya sa kaibigan. Paano’y kung baga sa lalaki, napaka-tsope ni Roxy. Kung anong tapang nito sa trabaho, tiklop naman ito pagdating sa crush over heels nitong si Adam! “Teka nga, ha. At saan ka naman pupunta bukas, aber, at kailangan mo pa talaga ng alalay?” tanong naman niya rito bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Bumuntong-hininga na muna ito bago nagkuwento. “David met an accident today. So, Stefano asked me to go to Isla del Amor on his behalf for our upcoming runway to look after the event,” pagbibigay-alam nito sa kaniya patungkol sa anak na lalaki ng General Manager nila na si Stefano Lucero, na muling ikinatigil niya sa paglalakad. “Oh, my! Eh, kumusta naman si David?” gitlang tanong niya rito. Nagkibit-balikat ito saka nagpakawala ng hininga.  “He’s still unconscious at nasa ICU pa rin pero out of danger na raw. Doon ako galing kanina bago ako pumunta rito,” balita nito sa kaniya.  Bagama't istrikto ay mabait at galanteng boss si Stefano Lucero. Ang pamilya nito ay palagi ring bumibisita sa opisina nila sa Ortigas. Ang asawa nitong si Mrs. Pauline Lucero na isang dating teacher at tatlong anak na sina David, Darren at Dalia na pawang mga teenager pa lamang, ay mga palabati at magiliw sa kanilang mga trabahador.  Tumango-tango siya sa sinabi ng kaibigan bago muling nagtanong nang nakasakay na sila sa elevator pababa sa kakainan nilang restaurant sa second floor. “Eh, bakit isasama mo pa ako? Kailan pa ninyo kinailangan ng Visual Artist sa runway, ha?” nakataas-kilay na tanong niya rito.  “You need a break, Ian. Your boss agreed with me that you need to take it slow. Mula nang lumabas ka sa ospital, ni hindi ka na nag-o-off, ah,” pagbibigay-alam at sermon nito sa kaniya. Pinangunutan niya ito ng kilay. “Alam mong kulang tayo sa VA, Roxy—” “That’s why I am taking you with me. They just hired two VA last week at next week ang start nila,” nakangiting imporma nito sa kaniya at saka siya hinila at naglakad patungo sa restaurant manager nasa tapat lang ng escalator.  “Eh, paano ‘yong schedule ko bukas sa MOA? Dalawang display ang iaayos ko roon bukas—” “No worries, Kevin will take care of it. Mamaya, mag-file ka na ng leave mo online at tatawagan ko si Kevin para ma-aprubahan niya kaagad,” utos pa niya. “Wait! Teka nga, baka makarating kay Sir Stefano ‘yan, mapagalitan ka pa—” Tinapik nito ang balikat niya saka umiling. “Don’t worry. I already got his approval,” kibit-balikat na pahayag nito at saka nagpatiuna nang pumasok ng restaurant. Nagbuga siya ng hangin sa dibdib. Panigurado siyang another tsismis na naman ang kakalat sa opisina at mga store kapag nalaman ng mga ito na isinama siya ng kaibigan sa isla para sa runway event.  Pagkakain nila ay sa dumiretso na sila sa apartment niya. Ilang damit at gamit lang ang inilagay niya sa bagahe niya. Sampung araw lang naman sila sa isla at sigurado siyang magiging busy sila sa trabaho ni Roxy pagdating doon. Roxy might be a dear friend pero pagdating sa aktuwal na trabaho, walang kaibi-kaibigan dito. Minsan nga ay mas istrikta pa ito kaysa kay Stefano at sa iba pang mga Assistant Executive Managers. “Bring these,” anito saka itinapon ang mga swimsuit sa ibabaw ng kama niya na kinuha nito sa drawer niya. “Believe me, you’ll need those,” nakangiting sambit pa nito sa kanya.  Nagkunot ang noo niya saka ito tinaasan ng kilay. “As if may time pa tayo para mag-swimming!” kibit-balikat naman niyang sambit pero kinuha na rin ang ibinigay ng kaibigan at isinilid sa maleta niya. “And who told you that you’ll be working with me there, huh?” tanong naman nito sa kaniya bago inilapag sa kama ang ilan pang damit na kinuha nito sa closet niya.  “At ano naman ang gagawin ko do’n?” irap niya rito. Tumigil ito sa ginagawa at saka nakapamaywang na humarap sa kaniya. I told you, you need a break. You will be there for vacation and not work, okay?” katwiran nito at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Napabuntong-hininga na lang siya. Kahit naman ano ang gawin niyang pagtanggi ay hindi pa rin naman siya mananalo sa kaibigan. Naiiling na nanahimik na lang siya at isinilid ang mga damit at gamit niya.   JILLIAN and Roxy boarded their company’s private plane from Manila straight to Isla del Amor. They were welcomed by a driver at the small airport and drove to where they will stay.  Halos mahigit niya ang hininga niya habang pinagmamasdan ang kagandahan ng isla habang lulan ng kotse. Sobrang linis ng paligid at maaliwalas.  “See, I told you, this is a paradise,” untag sa kaniya ni Roxy nang mapansin ang kasiyahan sa mukha niya matapos basahin ang itinerary nito para sa araw na iyon. “This is where we’ll stay?” maang na tanong niya. Kulang na lang ay may pumasok na langaw sa bibig niya sa pagkakanganga. “Wow!” Maging si Roxy ay hindi rin inaasahan na doon sila tutuloy sa kaharap na chalet. The chalet is a plain white, four-story house that seems floating in the water. Hindi magarbo ang bahay pero sapat na para mapasingap siya lalo na kung pagmamasdan ang mga carvings sa wall ng bahay. Elegant. Iyon ang pinakaakmang pag-describe sa chalet.  “Pasok na po tayo sa loob, mga ma’am,” yaya naman ng matandang lalaki at saka dinala ang mga maleta nila.  Dahil nga marami ang dala nila ay tinulungan na rin niya ito sa pagbibitbit papasok sa loob ng chalet habang si Roxy naman ay sinagot ang tawag sa telepono nito. “Ian, I need to go to the hotel now for the luncheon meeting,” mayamaya’y wika ni Roxy pagkababa nito ng telepono.  Nasa loob na sila noon at kasalukuyan niyang binubusog ang mata sa ganda ng loob ng chalet. Simple lang kasi iyon at walang masyadong gamit. Tulad ng sa labas, puti rin ang pagkakapintura ng loob habang contrast naman na kulay dark brown ang pintura ng mga wooden furniture doon maging ng hagdanan, pinto at bintana. “Hindi ka ba muna magpapahinga?” tanong niya rito. Umiling ito saka bumaling sa matandang driver.  “Manong, puwede po ba ninyo akong ihatid sa hotel?” tanong nito sa matanda. Palibhasa’y iisa lamang ang hotel sa isla kaya alam na ng matanda ang tinutukoy ni Roxy. Tumango ito bago nagsalita. “Iaakyat ko na muna ho ang mga ito—” “Hindi na po, manong. Ako na po rito,” sabi naman niya. Mukha kasing nagmamadali na si Roxy at alam niyang hindi ito mapapakali hangga’t hindi kaagad nakakaalis. “Aba, eh, sigurado ho ba kayo, ma’am? Eh maari din h’ong iwan na muna ninyo rito ang mga ito’t ako na ang maghahatid mamaya sa kuwarto ninyo. Tutal, eh, kayo laang naman ang bisita rito ngayon sa chalet,” suhestyon naman ng matandang lalaki. Nginitian niya ito saka umiling. “Okay lang po, ako na lang po,” aniya. “Thanks, Ian. I’ll get back once my meeting is done, okay?” ani Roxy saka hinila ang matanda na wala nang nagawa kundi sumunod kay Roxy. Huminga siya nang malalim saka nakangiting inilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay. This is not the first time she’s been in a big house, or a mansion even. Kung tutuusin, mas malaki at mas magarbo pa ang mansyon ng magulang ni Roxy sa chalet na ito, but there is something in this chalet that she couldn’t point out. Perhaps, it’s homey and warm?  Perhaps, that is the reason why their boss rented that chalet as he was actually planning to go to the island with his whole family and spend more family quality time with them there. But unfortunately, it didn’t happen.  She shrugged her shoulders and started checking the whole chalet, and arranged their luggage upstairs. She checked the rooms one by one and chose the grandest room on the third floor for Roxy while choosing one of the smaller rooms as her room on the second floor.  After unpacking her clothes and her personal items, she wore her bikini and put on a robe. She then went upstairs to Roxy’s room again then dipped into the stunning indoor swimming pool with a Jacuzzi that sits right on the balcony and overlooks the never-ending blue sea. After a few laps, she settled herself in the Jacuzzi and actually fell asleep. The relaxing sensation the Jacuzzi brought her immediately eased her emotional exhaustion for the past year.  “I think you’re lost.” She suddenly woke up when she heard a deep, seductive male voice. And when she opened her eyes, all she could do was gasp when she found an epitome of a Greek god who was standing in front of the Jacuzzi where she laid flat and looking at her in a very amusing way. She screamed and immediately stood up but lost her balance.  And thank God that the man was quick and had fast reflexes. He wrapped her in his arms before she could even fall back to the water. “Careful,” nakangiting wika nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa baywang at likod niya. She was tongue-tied and literally don’t know what to say. Nanatili lang siyang nakatitig sa napakagandang lalaking kaharap niya.  “Nasa langit na ba ako?” wala sa loob na bulong niya sa sarili.  Tumawa ito nang mahina habang namumula bago ito tumikhim at saka siya iniayos ng tayo bago umiwas ng tingin sa kaniya. “I’m Damian. I own this Chalet,” pakilala nito na ikinalaki ng mga mata niya. “Let’s talk outside after you’re fully clothed,” anito saka nagmamadalaing humakbang papalabas ng kuwarto. Napalunok siya. “Oh, darn it!” mura niya sa sarili nang mapagtanto ang inakto at sinabi niya nang lubos nang makalabas ng kuwarto ang estranghero who happened to be the owner of that chalet! And how she’s supposed to face him now after asking him if she’s in heaven? Oh, crap!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD