Chapter 7

1917 Words
Chapter. 7 PAGKAHINGAL at paglapat ng palad ni Ella sa kaniyang dibdib ang kaniyang ginawa. Ang bugso ng puso niya ay walang tigil sa pagkabog. Habang sumasabay rin ang hampas ng ilang hibla ng buhok sa kaniyang mukha. Dulot nang malakas na hanging dumadampi sa kaniyang mga balat. Bago pa man niya maihakbang ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan ay isang sinag ng araw ang nagpasulo sa kaniyang mga mata, na tumatama sa salamin ng pulang sasakyan. Napapikit siya kasabay nang pagkagat sa kaniyang mga labi. “Dʼyos ko,” bigkas nito sa kaniyang isipan. “Bakit ba kasi napadpad ako sa lugar na ʼto? Kung alam ko lang na mas maliligaw ako sa pagtakas ko. Eh, ʼdi sana hindi na ako sumakay sa sasakyan na ʼyon! Nakakainis!” wika ni Ella na halos sunod-sunod na sipa ang kaniyang pinakawalan sa hangin. Nang matanaw niya sa ʼdi kalayuan ang isang sasakyan. Dali-dali siyang napatakbo sa likod nito. Muli niyang ginulo ang kaniyang mga buhok. At saka nito iniharang sa kaniyang mukha. “Siguro naman hindi na ako matatagpuan ng lalaking ʼyon?” Palinga-linga nitong ani sa paligid. Ngunit isang magkakasunod na putok ng baril ang kaniyang mga narinig. Batay na nagpagulat sa kaniyang sarili. Sa kaniyang pagtago sa likod ng pulang sasakyan ay isang itim na kotse muli ang kaniyang nakita. Nagtaka sʼya dahil ang lalaking bumaba nito ay nagpadama ng damdaming hindi niya inaasahan. “Binabangungot ba ako?! Hangang kailan ba ako titigilan ng lalaking ʼto?”pagmamaktol ni Ella. Minabuti na lang niya ang umiwas sa bawat tingin niya sa binata. Tila ba mas kinakapos siya ng hininga kapag mas lalo niya itong nakikita. Saka siya dahan-dahan na lumalayo sa kaniyang kinatatayuan. Subalit isang malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan. Nang marating niya ang masukal na gitna ng kagubatan. “Tulong! Tulong!” takot na sambit ni Ella. “Mamatay na ba ako? Kukunin niyo na ba ako, Lord?” mangiyak-ngiyak niyang ani. Nang isang ahas ang unti-unting pumupulupot sa kaniyang mga binti. “Sabihin mo lang, Lord. Kung kukuhanin mo na ako . . .” pikit matang sinasabi ni Ella sa itaas ng kalangitan. Hangang sa isang baritonong boses ang kaniyang narinig at nagpamulat sa kaniya. “What are you doing?” wika ni Lance. Nang makita niya ang babaeng umiiyak. Nakatalikod ito sa kaniyang harapan na animo'y nagdadasal. “Anoʼng sabi ng lalaking ʼyon?!” bulong ni Ella na halos hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga paa. “Naririnig mo ba ako!” tanging sigaw ni Lance sa babaeng walang pakialam sa kanʼya. “May sira siguro ang ulo noʼn?” inis na sambit ni Ella na siya lamang ang nakakarinig. “Mas gugustuhin ko na lang magpatuklaw sa ahas na ʼto kaysa marinig ko ang boses ng lalaking nasa likod ko.” Matapang na iginalaw ni Ella ang kanang binti nʼya. Habang mahigpit naman ang pagpulupot ng ahas sa kanʼya. “Hey!”muling tawag ni Lance sa dalaga. Ngunit mas nangingibabaw ang takot at kaba ni Ella sa ahas na halos unti-unting humihigpit sa kaniyang kaliwang binti. “Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang mabuhay!” Halos ikakunot ng noo ni Lance ang mga katagang kaniyang mga narinig sa dalaga. Tila ba may pagtataka siya sa babaeng nakatayo lang sa kaniyang harapan. Ang suot nitong maikling damit na na nagmamarka sa kaniyang paningin at maganda nitong hugis ng katawan. Pansin niya ang ilang galos sa bawat binti at braso nito. Na nagbigay ng inis sa kaniyang sarili. Napakagat ang mga labi ni Lance. Kasunod nang pagsuot ng sunglasses dulot ng liwanag ng araw na tumatama sa kaniya. Nilapitan niya ito upang usisain kung anoʼng problema ng dalaga. Subalit laking gulat ni Lance sa kaniyang mga nakita. Habang naririnig niya ang dasal ng dalaga. “Don't move and stay calm,” pangungumbinsi nito. Kasunod nang paghawak nito sa mga kamay ni Ella. “Hoy! Bakit mo ako hinahawakan? Huwag kang lalapit sa akin. Kung ayaw mong—” “Don't worry, kamay mo lang naman ang hahawakan ko.” “K-kamay . . . B-bakit nga ba kailangan mong hawakan ang kamay ko?!” masungit nitong untag. “Basta huwag ka lang maingay at malikot. Ako ang bahala sa ʼyo. Huwag ka rin haharap baka mas lalo kang kagatin ng—” Hindi pa man nakakatapos magsalita ni Lance ay kakaiba na kaagad ang naiisip ni Ella. “If, may gusto kang patunayan. Hindi ko kailangan nʼyan!” Sabay pag-irap ng mga mata nito. “Higit sa lahat ang humarap sa ʼyo!” “Okay, lang wala rin naman akong balak na titigan ka,” palihim na ngiting wika ni Lance. At maingat na paghawak nito sa baywang ni Ella. “Kapag hindi mo tinanggal ʼyan. Tatamaan ka sa akin!” “Much better, kung iyon ang gagawin mo.” Galit man ang nasa isip ni Ella ay wala siyang magagawa. Lalo na sa pilosopong lalaki na halos ikainis nʼya. “Bakit hindi man lang ʼto nababahuan sa katawan ko,” bigkas nito sa kaniyang isipan. Isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Akmang haharap na siya sa binata. Nang biglang maunahan siya ng kaba sa kaniyang dibdib. “Ano baʼng klaseng lalaki ʼto? Sa halip na layuan ako . . . mas lumalapit pa sʼya sa akin.” Napatigil si Ella sa kaniyang kaisipan. Nang isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya. “H-hoy!” mautal-utal na sigaw ng dalaga. Kasabay nang pagpupumiglas nito sa lalaking nangahas hawakan ang kaniyang katawan. “A-anong ginagawa mo?” “Ano pa nga ba kundi hinahawakan ka?.Anong gusto mo ang buhatin pa kita? Ganoʼn ba?” “Kung hindi lang dahil sa ahas na ito! Hinding-hindi ako magpapahawak sa isang tulad mo!” Isang buntong hininga ang pinakawalan ng binata. Saka muli itong nagsalita. “Me too, hindi rin kita para hawakan at iligtas,” ani ni Lance na lihim pa itong napangiti. ʼDi alintana ng binata ang amoy na kaniyang nalalanghap sa dalaga. Pakiramdam niya ay hinihila siya ng kabog ng dibdib sa hindi nito malamang dahilan. Ang pagkakapulupot ng ahas sa binti ni Ella ay mabilis niyang nahawakan. Saka nito inihagis palayo sa kanilang kinaroroonan. “Next time, huwag kang pupunta mag-isa sa ganitong lugar, para hindi ka napapahamak,” ngiti ni Lance at marahan inilalayo ang mga kamay nito sa dalaga. Napansin niya ang gulo nitong buhok na halos hindi na makita ang mukha nito sa unahan. Hahawiin nʼya sana ang hibla ng buhok nito. Nang malakas na pagtabig ng kamay ang iginawad nito sa kanʼya. Kasabay nang pagharap ni Ella na hindi man lang makita ang kaniyang mukha. “Sapat nang tinulungan mo ako, salamat.” Nakikita man ng dalaga ang reaksʼyon nito. Sumasabay naman ang damdamin na hindi niya kayang pigilan. Hinihila siya nang kaba sa bawat titig na ibinibigay nito sa kaniya. “Iʼm sorry,” mahinahong wika ni Lance. “I just want to help you. Sana hindi mo masamain, kung tulungan kita.” Nanginginig man ang labi ni Ella ay pinilit pa rin niya ang magsalita. Tila ba pinipigilan ng dila niya ang bawat ibibikas nito sa binata. “S-salamat sa t-tulong mo,” yukong ani nito na hindi niya kayang tagalan ang tingin sa binata. “Gusto mo bang ihatid kita? Hindi kasi safe, kung basta na lang kitang iiwanan dito.” Walang kahit na anong salita ang lumabas kay Ella. Sumunod na lamang siya sa kung anong gusto ng binata. Isip niya ay hindi rin naman magiging ligtas kung magpapaiwan siya sa lugar na ʼdi man lang pamilyar sa kanʼya. Nang marating nila ang sasakyan. Marahan na binuksan ng binata ang pinto nito. Tanda na kailangan na niyang sumakay. Ngunit hindi niya inaasahan na mahawakan ang isang kamay ng binata na nakahawak sa pintuan ng kotse. “Sa hulihan na lang ako sasakay. Hindi kasi magiging kaaya-aya kung sa loob pa ako,” pangungumbinsi nito kay Lance. Na kahit ang gulo niyang buhok ay hindi man lang niya kayang alisin. Mas ligtas siya sa ganoong pakiramdam. Tanging ngiti lamang ang sumilay sa mga labi ng binata. Sa halip na sundin niya ang dalaga ay mas binuksan pa niya ang pintuan ng kotse nito. “I don't care, kahit ano pa ang amoy mo. And don't worry, marami na akong natulungan na tulad mo.” “P-pero makakaabala lang ako sa ʼyo kung dʼyan ako mauupo sa tabi mo.” “Wala ka naman ibang gagawin kundi umupo lang sa tabi ko.” “K-kung iyon ang gusto mo. Wala naman akong magagawa,” pagdadalawang isip ni Ella. Habang binabagtas nila ang daan. Tanging katahimikan naman ang nanatili sa kanilang dalawa. Kahit isa ay wala man lang maunang magsalita. Subalit isang malakas na ulan ang kanilang narinig mula sa labas. Nagulat si Ella sa sunod-sunod na kulog na kaniyang nasisilayan. Ang maliwanag na ulap ay napalitan ng nangangalit na kalangitan. Napapikit siya dala ng kaniyang takot. Kasabay nang mahigpit na hawak nito sa kaniyang seat belt. “B-bakit hindi kaya muna tayo huminto?” alalang tanong nito kay Lance. Napansin ng binata ang pagiging balisa nito. Kayaʼt walang pag-aalinlangan nitong itigil ang kaniyang sasakyan. Magtatanong pa sana siya sa dalaga nang takpan ni Ella ang dalawa nitong tainga. “Ayoko talaga nʼyan!” kabang sambit nito na tila may pag-aalala sa sarili. Kinakabahan man si Lance sa inaasta ng dalaga. Mabilis naman nitong kinuha ang kaniyang black jacket sa likuran na kanilang kinauupuan. Saka nito inilagay sa nanginginig na katawan ng dalaga. “Whatʼs wrong?” tanong nito. Kasabay nang pagdampi ng palad nito sa buhok ni Ella. Animo'y marahan nitong sinusuklay para makita nito ang buong mukha ng dalaga. “H-huwag mo akong h-hawakan!” sigaw nito na halos ramdam ni Lance ang pagkatakot nito sa kaniya. “Hindi kita sasaktan. G-gusto ko lang malaman kung sino ka? At kung saan ka nakatira.” “Hindi mo ba nakikita na pulubi lamang ako! Wala akong tirahan kundi sa lansangan lang! Kaya kung maaari huwag mo akong hahawakan.” “Handa akong tulungan ka. Handa akong baguhin ka.” “Hindi mo kailangan paghandaan ang isang tulad ko. S-salamat sa naitulong mo.” Walang pag-aalinlangan na binuksan ni Ella ang pinto ng kotse. Tila mas gusto niyang makalayo sa sitwasyon na gumugulo sa kaniyang damdamin. “Don't!” bulyaw ni Lance. Sabay hawak nito sa braso ni Ella. “Subukan mo lang lumabas ng kotse ko. Pagsisihan mo ang gabing ito!” Hindi mawari ni Lance kung anong salita ang lumabas sa kaniyang bibig. Ang damdamin na lumulukob sa kaniya ay parang tumitimbang sa bawat pagkainis niya sa dalaga. Paharurot nitong pinatakbo ang kaniyang kotse. Wala na siyang pakialam kung masira man ang bukas na pinto ng kaniyang sasakyan. Ang mahalaga ay napigilan niya ang dalaga. Tanging mga mata lang nito na kulay brown ang kaniyang nasisilayan. Pakiramdam niya ay may pagka-birhen ang hugis nitong mukha. Kahit na tanging buhok lang ang nagsisilbi nitong panangga. “Hindi ko alam kung anong mayroʼn ka. Ngunit susubukan kong kilalanin ka.” bulong ni Lance. At pagbaling nito kay Ella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD