HINDI niya alam kung bakit gano'n na lamang ang kaba niya nang makita nito ang lalaki. Pakiramdam niya ay sumisikip ang kaniyang dibdib dahil sa bilis ng puso n'ya. Marahan niyang binuksan ang pinto dahil sa palagay niya ay wala na ang lalaking kanina ay kausap ng nurse.
“Sayang hindi mo man lang naabutan si Mr. Sebastian,” panghihinayang wika ng nurse sa kaniya.
“A-ah, o-okay lang . . .” mautal-utal niyang wika.
“Oh, sige maiwan na muna kita. Mamaya na lang kita bibisitahin kapag naayos ko na ang mga gamot sa kabilang silid,” ani nito kay Ella.
Akmang lalabas na ang nurse, nang bigla siyang magsalita.
“Maaari na ba akong lumabas ng Ospital. Tutal naman magaling na ako. At kaya ko nang maglakad-lakad.”
“Sa palagay ko ay maaari ka nang lumabas bukas. Iyon kasi ang bilin ni Dr. Mariano sa akin. Kaya sa ngayon magpahinga ka muna.” Sabay bukas ng pinto at pag-alis nito sa silid ni Ella.
Dahan-dahan naman siyang naupo sa kama. Saka siya nagpasyang sumandal sa headboard nito. Batid niya ang ginawang pagtulong sa kaniya ng lalaki. Ang hindi lang niya maalala ay kung saan nga ba niya ito nakita.
“Bakit tila hindi ko matandaan kung saan ko sʼya nakita?” ani nito na ipinikit pa ang kaniyang mga mata.
Mas ginusto na lang niyang matulog kaysa isipin ang lalaking bumabagabag sa kaniyang isipan. Ngunit kahit ano'ng pilit na pagpikit niya ay tila hindi nito magawa. Gusto niyang makatulog para malimutan niya ang panandalian ng kaniyang mga pinagdaanan. Tila ba tumataliwas ito sa kaniyang isipan. Sa pagbaling niya sa kaliwang gilid ng kaniyang kama ay natanaw niya ang isang bintanang nakasara. Pakiramdam niya ay mawawala ang bawat lumbay ng kaniyang nararamdaman. Kung makikita niya ang sikat nang araw mula sa labas. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kaniyang mga paa. At maingat siyang tumayo. Napahawak naman siya sa lamesa na katabi lang ng kaniyang kama. Inihawi niya ang kurtinang sumasangga sa bintana. Kasunod nang pag-unlock nito at marahang pagbukas para makita ang liwanag ng kapaligiran. Tanging mga sasakyan ang kaniyang natatanaw. Ang bawat ingay ng mga sasakyang halos magkabuhol-buhol na dulot ng trapiko. Tanaw niya ang pagkampay ng kamay nang isang taong nagpapaayon kung saan ang tamang direksyon ng mga sasakyan. Napabuntong-hininga siya at napaisip na sana kaya rin umayon nang tadhana sa kaniyang buhay. Hindi na niya namalayan ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. Dulot nang kalungkutan sa kaniyang kaisipan.
“Ayokong dito lang ako. Hindi dapat ako naririto sa ospital na ʼto!” sigaw ni Ella. Habang pikit mata niyang nilalanghap ang hanging dumadampi sa kaniyang mukha.
Mabilis niyang isinara ang bintana. Kasunod nang paghawi niya ng kurtina. Bago pa man siya naupo sa kama ay minabuti niyang hilahin ang needle, na nakatusok sa kaniyang kanang kamay. Sa isip niya ay wala na siyang pakialam kung anoʼng kahihinatnan. Basta ang mahalaga ay makatakas siya sa loob ng ospital. Napasigaw siya sa sakit na kaniyang ginawa.
“A-aray!”
Ramdam niya ang pagkamanhid ng kaniyang isang kamay sa pagkakaalis niya ng needle, na nagduduksong sa dextrose nito. Suot ang hospital gown ay patakbo niyang tinungo ang pintuan. Kasunod nang dahan-dahan niyang pagpihit ng doorlock ng pinto at saka niya ito binuksan. Nakikita niya ang ilang nurse, na tila abala sa mga ginagawa. Akmang palabas na siya ng silid nang makita niya ang pagdaan ng isang doktor. Pabagsak niyang isinara ang pinto. Habang nakikiramdam kung may nakarinig ba sa kaniyang ginawa. Nagpalinga-linga muna siya sa loob ng silid. Pinagmamasdan kung may mga hidden camera, na nakalagay sa bawat sulok nito. Nang mapagtanto niyang walang kahit na anong device ang nakalagay sa bawat sulok ng silid ay saka siya muling lumabas. Tinapik-tapik pa niya ang kaniyang dibdib dahil sa kabang bumabalatay sa kaniyang sarili.
“Hay, salamat,” wika niya na tanging paghinga ng malalim ang kaniyang pinakawalan. “Nakaalis din ako sa nakaka-suffocate na silid na ʼyon. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong ospital.”
Isang silid ang kaniyang nasilayan sa tapat na kaniyang kinatatayuan. Ayaw man niyang pasukin iyon. Ngunit kailangan niyang magpalit ng kaniyang suot na hospital gown. Masyado kasi itong maiksi sa kaniya na halos kita na rin ang kabilang likod ng kaniyang katawan.
“Kaya ko ʼto . . . Kaya kong makatakas sa loob ng building na ito dahil kapag pinagpabukas ko pa ang pag-alis ko dito. Tiyak problema ko na naman kung saan ako hahanap nang matutuluyan ko.”
Lakas loob niyang pinasok ang silid. At makailang sandali ay suot na niya ang magkaternong hospital gown na kadalasan niyang nakikita na suot ng ibang empleyado sa ospital. Naglagay rin ito ng facemask para hindi siya mahalata. Ilang doktors na rin ang kaniyang mga nakasalubong. Habang nakatungo ang ulo nito at maingat na tinatakpan ang gilid ng kaniyang mga mata. Dali-dali ang bawat hakbang niya patungo sa labas ng ospital. Kasunod nang pagtakbo niya palayo sa malaking gusali na kaniyang nilabasan.
“Mabuti na lang at malayo na ako sa gusaling ʼyon,” ani nito sa hinahabol na hininga.
Napaupo pa ito sa kaniyang kinatatayuan dahil ramdam na niya ang init na kaniyang kinatatapakan. Ngunit isang sasakyan ang nagpabalikwas sa kanʼya. Nang isang mabilis na sasakyan ang dumaan sa kaniyang kinaroroonan. Halos magmarka sa kaniyang isipan ang lalaking kaniyang nasilayan. Batid niya na ito ang lalaking mabilis na nagpakaba sa kaniyang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit? Subalit hindi maalis sa kaniyang isipan ang mistiso nitong mukha. Ang mapupula nitong labi at magaganda nitong mga mata.
“B-bakit ganito ang nararamdamna ko? H-hindi m-mali lang ito o, baka dala lang ito nang pagsakit ng ulo ko.”
Walang pag-aalinlangan niyang nilisan ang lugar. Kasabay nang masyaga niyang paglalakad patungo sa simbahan na kaniyang natatanaw.
“Pangako matutupad ko rin ang mga pangarap ko. Hinding-hindi na ako babalik kay Aling Nora. Hindi na niya akong muli masasaktan. Ito na ang magiging bagong tahanan ko . . . Ang lugar na kung saan malaya ako. Kahit saan pʼwede akong pumunta. Na kahit walang sapin ang mga paa ko at kahit gaano man karumi nito. Maiihakbang ko ito saan man ako magtungo,” wika ni Ella. Sabay taas ng kaniyang mga kamay habang malayang naglalakad at hindi iniinda ang init na tumatama sa kaniyang mga balat.
Hindi na niya alintana ang mga taong halos pagtinginan na siya sa kaniyang ginagawa. Ang ilan ay nagbubulungan pa. Pakiramdam niya ay napagkakamalan na siyang wala sa sarili. Subalit mas pinili na lang niyang maging masaya. Habang tinatamasa ang sariwang hangin na kaniyang nararamdaman.