003

1424 Words
"So, what's it gonna be? Are we signing this contract on the bed right now, o magtititigan lang tayo rito? Sayang naman ang oras, nagmamadali ka 'di ba?" Nang magtagis ang ipin niya, bigla niya akong binitiwan tsaka kinuha niya ang kaniyang mamahaling coat. "Fix yourself. We are leaving right now. We're heading straight to my penthouse inside the Clark." "Wait, wait. Hold on a minute, Mr. Ravenzy," pigil ko sa kaniya habang inaayos ko ang buhok ko. "Anong aalis na? At tsaka... kailangan ba talaga na magsama tayo sa iisang bahay? Hindi ba pwedeng kapag may event lang o kapag kailangan ng Lolo mo, tsaka mo lang ako ipapatawag?" Kailangan kong itanong 'yun dahil agad pumasok sa utak ko si Caleb. Kung sasama ako sakaniya, paano ang anak ko? Paano ko siya mabibisita kung nakabantay 'tong lalaking 'to sa akin? Lumingon sa akin si Dominique, at wala man lang ka amor amor ang tingin niya. "We are entering a fake marriage, Woman. My grandfather is not an idiot. He has eyes everywhere, pati ang mga media nakabantay sa akin. We need to live under the same roof to show everyone that we are actually a married couple. physical cohabitation is non-negotiable. Kaya oo, kailangan mong sumama sakin at tumira sa bahay ko." Kinagat ko ang labi ko. Pucha, mahihirapan ako nito. "At paano naman 'yung one billion? Sabi mo makukuha ko 'yun pagkatapos ng kontrata... after a year?" "Yes. After the divorce is finalized," sagot niya habang isinusukbit ang coat sa kaniyang braso. "No way. Hindi ako papayag sa ganiyang terms," matapang kong sabi habang nakapamewang sa harap niya. "I need security, Dom. Negosyante ka, dapat alam mo 'yan. Pwede bang half-half ang bayad? Or kung ayaw mo, hihingi ako ng downpayment ngayon pa lang. I need at least fifty million pesos tonight." Dominique looked at me like I was the most greedy person he had ever met. "Fifty million? For a downpayment? Are you serious right now?" "Ganiyan talaga kapag maganda ang asset, may premium," pambabara ko sa kaniya, kahit ang totoo ay kailangan ko ang pera para maideposit agad sa bank account para kay Caleb, para kahit anong mangyari sa akin sa loob ng isang taon sa mansyon nitong lalaking to, may perang magagamit ang anak ko at si Ate Tess na yaa niya. "So, magbibigay ka o maghahanap ka ng ibang asawa?" Tinitigan niya ako nang matagal, tila kinikilatis kung bakit ganoon na lamang ang hinang ko sa pera ngayon gabi. Sa huli, nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at kinuha ang kaniyang phone. Tsaka ito may tinawagan na kung sino. "Transfer fifty million to the account listed on Courtney's profile. Do it now," utos niya sa kaniyang secretary bago ibinaba ang cellphone niya. Humarap siya sa akin. "It's done. Now, let's go." "Aba, sandali lang uli, Dom. Huwag kang excited," pigil ko uli sa kaniya habang kinukuha ang sling bag ko. "Kailangan ko munang dumaan sa apartment ko. Kukunin ko ang mga gamit ko, at kailangan kong iayos ang mga personal assets ko before mo akong ikulong sa lungga mo." Dominique checked his watch, bago tumango nang malamig. "I will give you two hours. My driver will drop you off, at hihintayin ka niya sa labas ng apartment mo. Don't even think about running away with my fifty million, Courtney. Aabutan ka ng mga tauhan ko bago ka pa makalabas ng Pampanga." "As if naman tatakbuhan ko ang one billion, 'di ba? Sobra ka naman sa akin," I rolled my eyes, bago ako unang naglakad palabas ng VIP room na parang ako ang nagmamay-ari ng buong Illumina. Pagkalipas ng dalawampung minuto, huminto ang mamahalin at tinted na SUV ni Dominique sa tapat ng isang tahimik at medyo tago na apartment complex sa Angeles City, malayo sa maingay at makasalanang ilaw ng Red Street. "Hihintayin kita rito, Ma'am," sabi ng driver ni Dom na mukhang seryoso rin ang mukha. "Sige, kuya. Don't worry, mabilis lang ako. Pwede kang mag-soundtrip muna riyan," sagot ko bago ako bumaba ng sasakyan. Mabilis kong nilakad ang madilim na hallway patungo sa unit ko sa ikalawang palapag. Pagkasusi ko ng pinto, dahan-dahan kong binuksan ito para hindi makagawa ng maingay na tunog. "Oh, Courtney? Ang aga mo yata ngayon?" Bumungad sa akin si Ate Tess, ang 40 years old na yaya ni Caleb. Si Ate Tess ang pinakamapagkakatiwalaang tao sa buhay ko. Mula noong pumasok ako sa Illumina noong sanggol pa lang si Caleb, siya na ang nag-alaga sa anak ko. Alam niya ang lahat ng dumi, hirap, at sikreto ko, at hinding-hindi niya ako ibinenta kahit kanino. "Ate Tess..." bulong ko, biglang naging emosyonal ang boses ko, malayo sa matapang na Courtney na nasa club kanina. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. "May mahalaga akong sasabihin sa 'yo." "Ano 'yun, naku, kinakabahan naman ako sa hitsura mo. May nangyari ba sa club?" pag-aalala niya. "Wala, Ate. Actually, magandang balita... pero kailangan kong umalis," panimula ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. "May isang big-time na costumer na nag-alok sa akin ng kontrata. Isang pekeng kasal, pero mag sasama raw kami ng isang taon, kapalit ang one billion. At Ate... nag-downpayment na siya ng fifty million sa bank account ko" Napatakip ng bibig si Ate Tess, halatang gulat na gulat sa narinig niya. "Isang bilyon?! Diyos ko, Courtney! Totoo ba 'yan? Baka naman sindikato 'yan o mapanganib na tao?" "Hindi, Ate. Kilalang negosyante siya. Dominique Ravenzy ang pangalan," sagot ko habang dahan-dahang naglalakad patungo sa kwarto kung saan natutulog ang anak ko. "Eh paano si Caleb?" nag-aalalang tanong ni Ate Tess habang nakatingin sa kama. Napatingin ako sa gitna ng malambot na kama, nakahiga ang limang taong gulang kong anak. Si Caleb. Ang sarap ng tulog niya, nakayakap lang siya sa favorite pillow niya na color blue. Aaminin kong sa tuwing titingnan ko si Caleb, naaalala ko ang gabing 'yun sa hotel five years ago... pero hindi ko kailanman nagawang magalit sa anak ko. Because he's my everything, my life. Lumapit ako sa tabi ng kama at dahan-dahang umupo. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok, pinipigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ang tapang-tapang ko sa harap ng mga lalaki sa Red Street, pero sa harap ng anak ko, ako ang pinakamarupok na tao sa mundo. "Iyon nga ang dahilan kung bakit ako pumayag, Ate," bulong ko habang nakatitig kay Caleb. "Yung fifty milion na downpayment na 'yan, sapat na 'yan para ilipat kayo ni Caleb sa isang mas ligtas at mas malaking bahay dito sa Pampanga. Ayoko nang manatili kayo rito malapit sa Red Street. Gagamitin niyo ang perang 'yan para sa lahat ng pangangailangan ni Caleb... sa pag-aaral niya, ang pagkain niya, lahat. Iiwan ko ang card ko sa 'yo." "Pero Courtney, isang taon kang mawawala... paano ka bibisita rito nang hindi nalalaman ng lalaking yun?" tanong pa nito at halata ang bakas ang takot sa boses ni Ate Tess. I forced a tight, sassy smirk on my face, twisting my tears into determination. "Huwag kang mag-alala, Ate. Kilala mo ako. Gagawan ko ng paraan. Babasagin ko ang mga rules ng Dominique na 'yan kung kailangan para lang makita ang anak ko. Ang mahalaga ngayon, safe kayo at may pera kayo. Itago mo nang maayos si Caleb sa radar ng mga Ravenzy. Walang dapat makaalam na may anak ako." "Sige, Courtney... mag-iingat ka roon. Ako na ang bahala kay Caleb, hindi ko siya pababayaan." paalala ni Ate Tess habang niyayakap ako nang mahigpit. "Ako pa ba, Ate? I can handle that arrogant billionaire," bulong ko uli, bago ako yumuko at hinalikan ang noo ng natutulog kong anak. 'Para sa 'yo 'to, Caleb. Gagawin ni Mommy ang lahat para sa kinabukasan mo.' Mabilis kong kinuha ang isang lumang duffel bag at nag-impake ng ilang pirasong importanteng gamit, hindi ko dinala ang mga maiikling damit ko mula sa club dahil alam kong hindi 'yun ang kailangan ko sa bagong buhay ko. Pagkatapos kong ibigay ang bank card kay Ate Tess at magpaalam uli, dahan-dahan kong isinara ang pinto ng apartment. Pagkababa ko sa lobby, sinalubong ako ng driver ni Dominique na seryosong naghihintay. Isinakay niya ang bag ko sa likod, at pumasok na ako sa malawak na backseat ng SUV. The engine roared to life, at dahan-dahang umalis ang sasakyan patungo sa Clark Freeport Zone. Tumingin ako sa bintana, pinapanood ang unti-unting paglayo ng mga ilaw ng Red Street. Simula ngayong gabi, tapos na ako sa pagiging Courtney ng Illumina Luxury Lounge. I am now bought by this ruthless, arrogant billionaire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD