Chapter 48 HOPE ANDREW NANG magtama ang mga mata namin, doon ko lang napagtanto ang oananabik ko sa kanya. Hindi oa naman siya nakakababa ng sasakyan ay parang gusto ko na siyang lundagin ng aking mga yakap. I don't even know why, basta iyon ang nararamdaman ko. Nang makapag-pari ng sasakyan niya sa bakanteng bakuran namin, kaagad siyang lumabas. Lalapitan ko na sana siya at kakausapin ng may nagsalita mula sa aking likuran. "You're here, Sam." Nang lingunin ko, si Mama. Si Mama na ang ganda ng ngiti sa kay Sam. Tinapunan lang ako ng tingin ni Mama tapos nilampasan niya ako. Sinalubong niya si Sam saka niyakap. Parang naging anino ako sa kanila sa mga iras na iyon dahil nilampasan lang ako at hindi pinansin. Napabuga ako ng hangin sa kawalan saka tinungo ang gate para isarado iyon.

