Chapter 46 HOPE ANDREW "OKAY! But in one condition." Anong kondisyon naman iyon? Maging ako ay hindi ko alam kung ano iyon. Basta nalang ako nagsalita at nagbitiw ng salita. "Anything you want." Sang-ayon niya. Ngayon, mag-isip ka Hope kung ano ang kondisyon na iyon. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang nigla siyang ngumiti. Hindi ko alam ba't bigla na naman ako kinabahan sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ayaw kong salubungin iyon, at baka maging marupok ako. "Andrew?" tawag niya sa akin. "What it si?" Tanong niya ulit. Binalingan ko siya saglit. Hindi na siya nakangiti, kaya naman nagseryoso ako. "Huwag ka munang magpapakita sa akin," nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita sa reaksyon niya. "Ayaw kitang makita, Sam. Alam mo naman kung bakit." Todo ko na ito. Ayaw ko nang bawiin

