Chapter 50 CHRISTIAN SAMUEL NAGISING ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana na hinawing kurtina doon. Wala na sa tabi ko si Andrew. Maaga siguro siyang gumising dahil iyon ang nakasanayan niya. Bumangon ako saka naglakad patungong banyo para makapag-hilamos. Nang matapos, 'agad din ako lumabas ng kwarto,at saka dumulog ng kusina. Maingay ang bandang do'n. Panay ang tawanan. Naririnig ko ang malakas na tawa ni Mild habang nagku-kwento siya. Napailing ako sa aking isipan. Nang nasa b****a na ng pintuan ng kusina, doon ako sinalubong ng maraming mata. Ang mga mata na nakangiti sbalit may mga mata akong gusto kong makita na wala ngayon dito. Si Hope. "Merry christmas, almusal ka na, Sam." Nilapitan ako ni Tita Meryll para igaya paupo sa silya. Naupo naman ako saka

