• • • "BUNGO XII" • • • Tumambad sa mga bata ang pugot na ulo ni Haydee. Nakadilat pa ang mata nito. Walang kibot na nilapitan ni Mira ang gumulong na ulo ng ina. "Mommy!! Mommy!!" Paulit-ulit na sigaw ni Mira. "M-mommy.." mahinang sabi ni Nikka. Nagulat si Kimay ng marinig ang boses ng kapatid ni Mira. "Nakakapagsalita ka Nikka?" tanong ni Kimay. Tumango-tango si Nikka at humakbang palapit sa kanyang ate. Hinawakan niya ang kapatid sa balikat ngunit hinawi ito ni Mira. "Patawarin mo ako ate." Pagsusumamo ni Nikka. "Bakit ngayon pa Nikka. Bakit kung kailan patay na si Mommy saka ka nagsalita." Sambit ni Mira habang yakap y

