Chapter Four

890 Words
Sunud-sunod na paghambalos at pag-sabunot ang natamo ni Cyra. Gusto niyang protektahan ang sarili gamit ang kanyang yelo ngunit gaya ng madalas na nangyayari, sa tuwing kailangan niya ito’y hindi niya ito magamit. Lumalamig lamang ang kanyang braso. At kailan pa ito naging sapat para sanggain ang mapwersang kamay ng kanyang mala-torong tiyahin? “Bwisit ka talagang bata ka!” nanggigigil na sabi nito. “Kahit kailan talaga panira ka ng plano ko! Bakit hindi ka na lang sumunod? Bwisit. Hayop ka! Hayop!” Pilit niyang hinihila ang kanyang buhok at nang hindi ito tuluyang makalas sa kanyang anit. Ang mata niya’y hindi malaman kung saan luluha, kung para ba sa palpak niyang plano o sa hapding kanyang dinaranas. Si Jaycee na galing sa kusina’y nagmadali sa pagtakbo sa kanila. Babalakin na sana nitong pumagitna sa magtiya nang duruin ito ni Tita Rosanna. “Sige, subukan mong makialam!” sabi nito. “Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin sa’yo?” “Pero Rosanna, hindi na tama iyang ginagawa mo sa pamangkin mo. Tignan mo ang estado niya. Ang payat na ng katawan, ‘yung mga sugat at pasa niya hindi pa tuluyang magaling.” Ibinaling ni Tita Rosanna ang atensyon sa nangingiyak nang dilag. “E ‘di ba ang ayos-ayos naman ng pakiusap ko sa’yo kanina? Bakit mo na naman ba ako sinuway?” Humikbi na lamang si Cyra. Ang katawan niya’y nakatagilid na mula sa mapwersang paghila sa kanya kanina mula sa buhok. Hindi maawat ang pagkabog ng dibdib ni Tita Rosanna. Humigop ito ng hangin. Ang pagdaloy noon ay umalingaw-ngaw sa tahimik na sala. Pakiramdam ni Cyra ay sumisikip ang espasyo ng paligid. “Anong sabi mo kanina? Ayaw mo na rito?” Nameywang si Tita Rosanna. Binalingan ang tanging pinto palabas, ang matagal nang hangad ni Cyra na mabuksan. “Oh, tara! Ayaw ko rin naman sa’yo e. Kaya kung gusto mo nang makalabas,” hinila nito si Cyra sa buhok hanggang sa makarating sa tapat ng pinto. Halos sumubsob ang mukha niya sa sahig nang bitawan siya nito. “Ayan!” Isa-isang sinusian ni Tita Rosanna ang mga kandado pabukas. Limang kandado iyon na pawang komplikado kung paano buksan. Makakapal na bakal din iyon upang hindi madaling masira ng kapangyarihang lamig ng pamangking bihag. Napalunok si Cyra nang mag-creak ang pinto. Bahagya lang itong naka-awang. But seeing the light coming from the outside was spellbinding. She wanted to scream and make a run for it. “Rosanna!” tawag ni Jaycee mula sa likuran. Pagalit na bumaling ang Tita. “Tumigil ka ha? Huwag mo akong ma-Rosa-Rosanna. Hindi tayo magka-edad.” Yumuko si Cyra at napatitig sa sahig. Gaano man niya kagustong makalaya, hindi niya kayang umalis nang hindi kasama si Jaycee. Pero kahit tawagin niya kasi ito at pakiusapang samahan siya’y alam niyang hindi ito susunod. Lalo na nang marinig niya kaninang may hawak si Tita Rosanna rito. Agad na sinara ni Tita Rosanna ang pinto sa tagal nitong kumilos. Lumuhod ito sa harapan niya. “Ano? Hindi mo kaya ano? Alam mo kasing hindi ka rin tatagal sa labas. Na sa oras na malaman nila kung ano ka, huhulihin ka nila’t pag-eeksperimentuhan. Swerte na lang kung hayaan ka pa nilang buhay.” Hinablot nito ang tainga niya at piningot. “Kaya kung ako sa’yo, babalik na ako sa kwarto ko at mananahimik, magpapasalamat, at magpapakatino-tino. Dali! Balik ka na sa kwarto mo!” Dahan-dahang inangat ni Cyra ang katawan niya. Papalingon na siya sa direksyon ng kanyang silid nang makatanggap siya ng huling pagsipa ni Tita Rosanna. At dahil sa patpatin niyang katawan ay bahagya siyang tumilapon sa gilid. “Cyra!” tawag ni Jaycee. Agad itong sumaklolo. Lumuhod ito sa gilid at inalalayan ito. “Hayaan mo iyan,” sabi ni Tita Rosanna. “Rosanna naman? Hindi mo naman kailangan pang gawin ito.” “Hayaan mo iyan sabi.” Nagtitigan ang dalawa. Si Cyra ay tulala lang na nakaakbay kay Jaycee. “Handa akong magsumbong sa Pulis, Jaycee,” sabi ni Tita Rosanna. “Wala akong pakialam kung anong gagawin nila sa’yo.” Nagkuyom ang kamao ng binata. No matter how physically hurt she was, Cyra wondered whatever it is that makes Jaycee so weak towards her Tita Rosanna. Ganoon ba talaga iyon kabigat para makapag-dalawang isip nang ganito si Jaycee? Sa huli ay sinabihan na lang ni Jaycee si Cyra na bumalik ito sa silid nito. Nakayuko ang binata at hindi magawang silipin ang reaksyon ng dilag. And though Cyra wasn’t naturally smart, she knew there’s nothing she could do. She turned her back and walked. Nakakapit ang dalawa niyang kamay sa pader bilang suporta. The first time she learned about her powers, her first thought was that she could get what she wanted. That she was powerful and that she could do almost everything her heart desires. Years went by, and she learned the ugly truth. That power isn’t based on the special abilites one can make. Power only comes from the cruel and evil. Ang hiling lang niya’y huwag sana siyang mapilitang maging tulad ng Tita niya, na mas piniling maging masama matawag lang na malakas.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD