Matapos mag usap ni Celine at ni Rey ay sabay na silang bumaba sa sala, tama naman nga rin ang sinabi ni Rey sa pinsan na uunahin pa ba naman nila ang tampuhan kaysa ang mag enjoy, tutal one week lang naman ang bakasyon nila na iyon, tapos magkakatampuhan pa sila, hindi nilq masusulit yung bakasyon kapag ganon . "Sorry, medyo naging insensitive ako sa nasabi ko," sabi agad ni Adrian nang makita nito na kasunod ni Rey si Celine na naglalakad palapit sa kaniya. "Okay lang, medyo nagulat lang ako, sorry din kasi nang ganoon yung reaksyon ko," paghingi rin nang sorry ng dalaga rito. "Ano ba kayo, tama na yan, lalamig yung pagkain oh, enjoyin natin to pati yung soju tutal first natin matitikman to," sabi ni Rey. "Oo nga naman, and feeling ko ngayon ko lang rin talaga titikman since hindi na

