LALA "HMP! Bahala ka nga kung sino kang unggoy ka!" Inis na sabi ko habang paalis sa direksyong pinuntahan ng aninong nakita ko. Kanina pa ako palinga-linga pero hindi ko siya makita. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang marinig ko ang kaluskos. Tumigil ako at muling lumingon. "Hoy? May tao ba riyan?" Walang sagot. "Tao ka ba? Multo? Kapre?" Sunod-sunod na tanong ko kahit hindi ko alam kung may nakakakita ba sa akin. Baka naman duwende? Bigla akong napahagikhik ng tawa nang maalala ko ang kuwento ni Jelaine sa akin tungkol sa duwende raw. Si Gian daw ang nagkuwento niyon sa kanya na inalok daw si Gian ng duwende na bibigyan ng ginto, basta palit ng t**i. Lalong lumakas ang tawa ko nang bumalik sa isip ko ang sagot ni Jelaine sa akin kung papayag siyang makipagpalit si Gian ng

