-Sienna- “What did you just say?” nanginginig ang boses na tanong ko, at parang napapasong inalis ko ang pagkakahawak sa kamay niya. “Hon, isipin mong mabuti. Bakit nya naman gagawin to? Bakit ka nya tutulungan?” tanong niya na tila ba naiinis na rin sa akin. “Ha? Hindi ko rin alam.” nang-uuyam na sagot ko. “Baka naman kasi marunong lang siyang umappreciate ng art, hindi kagaya mo na makitid ang utak pagdating sa ganitong bagay!” “Why the fvck are you talking to me like that, Sienna?” tiim ang mga bagang na tanong niya. “Look, I’m just being practical here. Tatawagan ko si ninong at sasabihin sa kanya na hindi ka na magpapasa ng portfolio mo. I’ll tell him that this was just a misunderstanding! A mistake! You’re backing out!” At inilabas na niya ang kanyang phone para tawagan si Tyler

