-Sienna- As Clyde was about to climb out of the car, biglang tumunog ang phone niya. “Hon, mauna ka na sa loob. Kausapin ko lang si daddy. Mukhang may iuutos na naman.” Daddy na naman? Hanggang kailan ba magiging sagabal ang pamilya niya sa date namin? “I’ll just wait for you here.” sabi ko habang inaalis ang seatbelt ko. “Hindi ako papasok sa loob hangga’t hindi kita kasama. “This will take a few minutes. Sige na, umorder ka na muna ng kahit ano sa loob kung nagugutom ka na. May mga pagkain naman diyan. Susunod na lang ako.” bago pa ulit ako makasagot, bumaba na siya ng sasakyan at naglakad palayo habang kausap ang daddy niya. Naiinis na bumaba ako ng kotse at kagat-labing naglakad papasok ng La Fortuna. Nanlalamig ang mga kamay ko habang lumilibot ang paningin ko sa loob. What if ma

