-Sienna- Halos mahilo ako sa bilis ng pagpapatakbo ni Clyde ng sasakyan, at kahit nakahinto na siya sa harap ng apartment ko, nakapakit pa rin ako at nakahawak ng mahigpit sa handle. “We’re here.” malamig na sambit niya, at dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. “What the hell is wrong with you, Clyde?” naiinis na tanong ko. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko dahil sa sobrang takot at kaba na baka mabangga kami. “What the hell is wrong with me?” mas mataas ang boses niya kaysa sa akin, at nagulat ako. Ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito. “Sinabi ko na sa’yo na ang tagal kong hindi nakita ang ninong ko, but here you are being so dramatic and making an excuse of telling me that you’re not feeling well! Eh mukha namang okay ka!” “What?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “

