-Sienna- Habang biyahe, hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa sobrang kaba. Ang mga kamay ko ay sobrang higpit na nakakapit sa strap ng aking shoulder bag sa ibabaw ng kandungan ko. Seryoso ba talaga siya? Ngayon ang paunang bayad? Sienna, don’t act like a virg!n. Nakadalawa na nga kayo eh, ngayon ka pa ba kakabahan? After twenty minutes, nagulat ako dahil bigla na lamang huminto ang kanyang kotse. Lumingon ako sa labas at nakita kong nasa harap kami ng isang seafood restaurant. “Anong gagawin natin dito?” kunot ang noong tanong ko. “Let’s eat first. Gutom na ako.” hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Bumaba siya ng sasakyan at umikot sa side ko. Binuksan niya ang pinto para sa akin at inalalayan akong bumaba. Ipinasa niya sa valet ang susi ng kotse, at nang makapasok kami sa lo

