-Sienna- “I’m coming with you…” Tyler said, and I sighed, nodding my head. Sabay kaming bumaba ng kanyang sasakyan at nilusob ang ulan. Patakbo kaming pumasok sa loob ng bahay habang nakatakip ang suit niya sa mga ulo namin. Pero wala na itong saysay pa dahil basang-basa na din naman ako. Agad akong pumasok sa kuwarto at kumuha ng dalawang malinis na towel. Ibinigay ko ang isa kay Tyler na nakita kong wala nang damit pantaas paglabas ko ng kuwarto. “Pasensya ka na. Medyo magulo ang apartment ko. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis.” “It’s okay. Hindi ako tumitingin sa bahay. Yung may-ari ang tinitignan ko.” komento niya habang pinapasadahan ako ng tingin, at namumulang napakagat-labi ako. “Gusto mo bang maligo?” tanong ko sa kanya habang itinatakip ang towel sa halos hub*d ko nang kata

