-Sienna- Pagdating ng lunchbreak, lumapit sa akin si Valentina. “Sienna, let’s go. Sabay na tayong mag-lunch.” Napatingin ako kay Jackie. Nag-usap na kami kanina na sabay kaming kakain sa labas. “Dinalhan ako ng driver ni daddy ng pagkain. Nagluto daw sila sa bahay dahil anniversary nila ngayon.” hindi na ako nakahindi pa nang hilahin niya ako patayo. Tumango lang si Jackie nang bumulong ako ng sorry. Hindi niya pwedeng kalabanin si Val dahil siya ang manager namin at ang pamilya nito ang may-ari ng bangko na pinagtatrabahuhan namin. Pagdating sa office niya, nalanghap ko kaagad ang amoy ng masarap na pagkain. Hindi ako nag-breakfast kaya naman gutom na gutom ako. Hindi rin ako nakapag-break kanina dahil sobrang dami ng tao, at absent ang isa naming kasamahan. Inilibot ko ang aking p

