The Last Chapter Comatose. Yan ang bungad sa amin ng doktor. Comatose. At hindi namin alam kung kailan siya magigising. Nanatili ako sa tabi niya habang nakahiga siya sa kaniyang hospital bed. Dito lang ako. Hindi ako aalis hangga't hindi siya nagigising. Gusto ko na pagmulat ng mga mata niya, ako ang una niyang makikita. Nanggaling kanina dito ang mga kaibigan ko pero tango at malungkot lang na ngiti ang sinukli ko sa kanila. I'm not in the mood to talk to anyone. They offered me foods pero wala akong ganang kumain. Bumukas ang pinto ng hospital room ni Fivo at pumasok doon si Ate AP. "Let's go home Scidea." "No." Sinabi ko ng mariin at hinawakan ang kamay ni Fivo. "Dito lang ako sa tabi niya." "Scidea Please. Kailangan na nating bumalik." Doon ko lang napansin ang mga bagahe n

