Chapter 37 Bigla akong napapikit at hiniling ko na sana huminto ang oras. Ayokong maging painting si Fivo. Ayoko ang susunod na pwedeng mangyari. Ayoko— Parang may mali. Iminulat ko ang mga mata ko. Huminto ang dilaw na ilaw kaya hindi kami natapatan ng liwanag niya. Huminto din sa pag-andar yung train na sinasakyan namin. Pati si Fivo parang naestatwa sa harapan ko. Lahat ng bagay ay huminto sa paggalaw maliban sa akin. Huminto ang oras. Mali. Hininto ko ang oras. Sa pangalawang pagkakataon, nakontrol ko na naman ang oras. Pinanatili ko ang kagustuhan ko na huminto ang oras pero inalis ko sa konsentrasyon ko si Fivo at yung train. Biglang umandar ang train at gumalaw si Fivo. Naguluhan siya sa mga pangyayari at nalilitong humarap sa akin. "Anong nangyayari? Bakit hindi ako naging

