Chapter 12 "Aray!" Iyak nang iyak si Billy habang ginagamot ko yung sugat niya. Hindi ko muna gagamitin yung healing potion. Masasayang lang sa kaniya. "Ikaw kasi tinakot mo pa ako. Kung tinawag mo na lang sana ako." "Kiss mo na lang yung sugat ko para mawala ang sakit." Tsaka niya tinuro yung sugat niya sa noo. "Gusto mong madagdagan pa yan?" Mahinahong tanong ko sa kaniya. "Huwag ka ngang pakipot diyan Aleah, alam ko namang pumasok ka dito para iligtas ako." Tumingin ako sa kaniya nang nakanganga. Ang taas ng self-confidence ng lalaking ito. "Billy, will you please shut up? Hindi ka nakakatulong. We still need to go to Moonshade Island. Come." Sumunod sa likuran ko si Billy hanggang makarating kami sa ilog na maraming mga bangka. May karatulang nakabitin sa sanga ng isa sa mga pun

