Chapter 14 Biglang sumakit ang ulo ko. Napapikit ako sa sobrang sakit. Nang idilat ko na ang aking mga mata, wala akong maalala. Nasaan ako? At sino tong payatot na lalaking nasa harapan ko? "Babe, ayos ka lang?" Kumunot ang noo ko sa tanong ng lalaking nasa harapan ko. Sino ba siya? Bakit ko ba siya kasama? At bakit ba wala akong maalala? "Excuse me mister. Bodyguard ba kita?" Tanong ko dun sa lalaking payatot. "Naku Babe hindi. I'm your boyfriend." Tila ba binagsakan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Nakakakilabot. "Bakit wala akong maalala? What's my name? Bakit ba tayo nandito?" "You are Aleah Diaz. I am Billy Dimaculangan. Girlfriend kita. Natrap tayo dito sa lugar na to dahil well, niligtas kita. At kailangan nating pumunta doon sa isla. Nadoon ang kapatid ko at yung kai

