Episode 61

2503 Words

"Palagay mo, attorney? Iyon kaya ang rason kung bakit bigla na lang talaga siyang nagpakita dito sa villa?" usisa ko pa sa abogado na namin ni Senyora Juana. May tao raw na lihim na nagmamanman sa kanya nitong mga nakaraan na araw at napag-alaman niya na ang villa at ang malawak na farm ang target. Wala nga naman na pwedeng maglalakas-loob na pa imbestigahan o alamin ang tungkol dito kung hindi ang dati kong asawa. Kung ganun ay ang farm ang nais niyang kunin sa akin kaya bigla na lang mula sa kung saan ay bumalik siya ng villa. Ano pa ba ang gusto niyang gawin sa buhay niya? Huwag niyang sabihin ubos na ang kayaman na pinamana ng kanyang tunay na ama at ang kayamanan na kinuha niya ng walang paalam kay Senyora Juana para magkaroon pa siya ng interes sa lupain na nasa ilalim na ng pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD