Episode 31

1766 Words

Si Uno lamang ang pinapatulog ko ngunit hindi ko namalayan na maging ako pala ay nakatulog din. Dahil napagod marahil sa pag iisip kung bakit na lang nagbago ang ugali ni Sir Jeoff. Maaari kaya na bumalik na ang mga alaala niya kaya walang kaabog-abog na nagkaganun siya? Kasalana ko yata. Dapat talaga ay hindi ako nawawala sa tabi niya para alam ko kung ano ang mga nangayayari. Tulad ngayon, hindi ko batid kung anong problema dahil wala ako sa tabi niya. Posible kaya na nakausap niya na ang kanyang mga kapatid sa labas at nalaman niya na ang kung anuman ang hindi niya dapat na malaman? Nagising ako sa kalagitnaan ng hatinggabi dahil na nga rin siguro kahit ang kaluluwa ko ay hindi matahimik kahit nahihimbing ako. Hindi matahimik sa kung anong dahilan ng pagkakaganito ni Sir Jeoff.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD