Episode 12

1512 Words

Ayon aa kwento ng kaibigan ni Ate Lala na ang asawa ay kasama ni Billy sa Japan, pinagyayabang daw ng dati kong kinakasama na mayroon daw babaeng baliw na baliw sa kanya kahit may asawa na siya at ako nga ang tinutukoy niyang hayop siya. Wala naman raw balak na mangealam ang mag-asawa na yon sa personal na buhay ko ngunit madalas raw na sundutin sila ng sarili nilang konsyensya sa tuwing naririnig na naman si Billy kung paano ako pagsalitaan ng hindi maganda. Lahat daw ng katrabaho ni Billy ay alam ang tungkol sa akin at sa anak ko. Binibida pa ng dati kong kinakasama na hinayaan niya na lang daw ako na manirahan dito sa bahay nila at wala na raw siguro akong pupuntahan na iba. Hindi nga rin daw siya ang tatay ni Arthur dahil wala naman daw kaming relasyon kaya paano raw kami makakabuo?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD