Chapter 8

1123 Words
ALEXIS ALEJO Kinuha ko ang laman ng brown envelope na ibinigay sa akin ni Boss. Naglalaman 'yon ng bago kong misyon. Akala ko nga ay hindi pa uli ako bibigyan ng panibagong misyon after my boring mission last week. Boring kasi nagbantay lang naman ako ng isang spoiled brat for one week. Bakit ba ang daming spoiled brat sa mundo? Ano ba ang pine-peg nilang lahat?! Bigla ko tuloy naalala si Terrence at noong una kaming nagkita. Na sa simula ay hindi talaga naging maayos ang takbo ng pangyayari subalit nang lumaon ay naging kabaligtaran ang sitwasyon. Tsk! Naiisip ko dati, paano ako nainlove sa isang katulad ni Terrence? A professional agent fell in love with her client to think na mas bata siya keysa sa akin. Ngunit napagtanto ko, sa pag-ibig hindi naman edad, propesyon o ang isipin ng ibang tao ang magdedesisyon upang maging masaya ka. It's just a mere problem when it comes to love. At hindi iyon dapat maging hadlang upang maging masaya ka kasama ang taong mahal mo. Hindi dapat gawing big deal ang mga ganoong bagay, as long as walang natatapakan o nasasaktang ibang tao, just go for it. Hindi ka naman ipinanganak upang magdusa, basta alam mo lang kung saan lulugar para mas lalong makamit mo ang kaligayahan. Muling bumalik ang isipan ko sa realidad ng magsalita si Boss. "Your next job will be an escort service kay Governor Altamonte sa pagsalubong sa ating Presidente at Bise-presidente sa pagdating nila sa biyernes," paliwanag ni boss. Nakita ni Boss Kevin ang muli kong pagbabalik ng mga dokumento sa envelope. No need na palang tignan ang laman niyon dahil kilala ko naman ang aking kliyente. Of course, he's the father of my idiot babe. "Si Governor mismo ang pumili sa 'yo and we both know why," nanunukso ang ngiti ni boss na ngumiti sa akin. "Sir naman!" kunwa ay nahihiya pa ako! Tsk! Meron pa pala ako ng bagay na iyon matapos ang lahat ng mga nangyari? Tinawanan lamang ako ni Boss sa naging reaksyon ko. "Anyway, I already informed the head of this operation about you, so make sure you coordinate with him," ang sabi nito. Bahagya akong tumango. "Yes, Sir!" He leaned his back in his chair. "Alright, sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangan pa iexplain sayo ang lahat. So, you can leave now, Alex." "Sige po. " Tumayo ako sabay salute at humakbang na palabas ng kanyang office. Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa elevator hindi ko maiwasang isipin na masasama pa ako sa ganitong escort service. And it means makakasama ko na naman ang apat na baliw na iyon. Akala ko pa naman ay mas matinding aksyon ang mapapapunta sa aking misyon. Simula kasi noong matapos ang kaso ng mga Altamonte, puros escort service lang ang napupunta sa akin. Hay, kailangan ko rin namang mag-unat unat ng buto 'no! But anyway... si Governor Altamonte naman ang e-escort-an ko eh. Alangan namang tanggihan ko ang ama ng idiot babe ko? Speaking of the idiot, ano naman kaya ang inaatupag ng baliw na 'yon sa oras na 'to? Ang sabi ng mga kaibigan niya, mas naging masipag daw mag-aral si Terrence. Syempre inspired eh, bukod pa roon kailangan niyang magtino sa pag-aaral kung ayaw niyang mabugbog ko siya! Dapat sa edad niya ngayon iniisip na niya ang magiging kinabukasan niya. Naku talaga! Iyan kasi ang problema sa mga taong mayayaman at laki sa luho. Hindi nila nakikita ang paghihirap ng ibang tao para lamang makatapos ng pag-aaral ang mga anak nila at may mapakain sa kanilang pamilya. Hindi ko rin napigilan ang alalahanin ang napag-usapan namin sa may tabing dagat. Alam ko na katulad ng mga kapatid ko ay nag-aalala rin siya sa kaligtasan ko, at hindi ko naman iyon maaalis sa kanila. Sa klase ng trabaho ko ay sadyang napakapeligroso talaga. Subalit tulad ng lagi kong sinasabi sa mga kuya ko, may dahilan ako para mabuhay... *KRINGG* Napaigtad pa ako ng tumunog ang cellphone ko. Punyemas naman! Nakakagulat naman ang tumatawag na 'to! Dinukot ko sa bulsa ng aking pantalon ang cellphone. Nangunot pa ang noo ko ng makita ko na number lang ang nakarehistro sa screen. Sino naman kaya 'to? Nagbukas na ang elevator kaya pumasok ako sabay sagot sa unknown number na iyon. "Hello?" ang pormal kong sagot. "H-hello? Ms. B-bodyguard??" ani ng nasa kabilang linya na tila nauutal pa at para bang takot na takot. Nangunot ang noo ko sa narinig kong boses. Si Kenneth iyon na kaibigan ni Terrence at hindi ako maaring magkamali since silang tatlo lamang ang tumatawag sa akin ng gano'n. Subalit sa tono ng boses niya ay hindi ko napigilang makaramdam ng kaba. Tila ba may kung anong masamang nangyari at napatawag sa akin ng ganitong oras. "Ms. Bodyguard! S-si Terrence!" Ilang sandali pa ay tinutumbok ko na ang daan patungo sa school ni Terrence! Halos hindi rin mapawi ang kabang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon! Na kahit napakaingay sa paligid ko ay tila ba mas nangingibabaw ang tunog ng malakas na pagtibok ng puso ko. *FLASHBACK* "Ms. Bodyguard! S-si Terrence! T-tulungan mo s-siya! Nanganganib ang buhay niya!" Biglang dagsa ng kung ano-anong isipin sa utak ko sa narinig kong sinabi ni Kenneth. Kasabay ng matinding kaba. "Anong nangyari?! Nasaan si Terrence?!" gulat kong sabi at tuloy-tuloy na pinindot ang ground floor button. Kulang na lang ay bumaon ang button na iyon sa mariing pagpindot ko. Ang bagal naman ng lintik na elevator na 'to! "M-may isang lalaking nagtatangka sa buhay ni Terrence—" Sh*t! Mabilis na nagpanic ang utak ko. Sino ang posibleng umatake kay Terrence? Panibagong banta na naman ba ito sa buhay niya?! "Nasaan siya?!" agad kong putol sa anumang sasabihin nito. "Ah nasa rooftop sila ng school, building B! Ms. Bodyguard, pumunta ka na dit—" Di pa man nito natatapos ang sasabihin ay agad ko na ini-off ang cp ko kasabay ng pagbukas ng elevator at mabilis na tumakbo palabas ng building. "Hey—Alex?" si Myka. Ni hindi ko na nga pinansin sina Myka at Ian ng makasabay ko sila palabas ng HQ. Alam kong gulat ang nakabadha sa mga mukha nila ng mga sandaling iyon. Dahil ni hindi ko man sila nagawang sulyapan. Subalit saka na ako magpapaliwanag, ang importante ngayon ay si Terrence. Ang kaligtasan niya ang prioridad ko ngayon! *END OF FLASHBACK* Terrence! Papunta na ako! Sigaw ng utak ko at tinodohan ko pa ang bilis ng motor ko. Ng mga oras na iyon ay wala ng laman ang isip kundi si Terrence, na baka kung ano na ang nangyari sa kanya- na baka- Huwag naman Po sana! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala si Terrence!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD