Ms. Bodyguard 2

1681 Words
Ms. Bodyguard Book 2 "Even if I need to get hurt, even if I need to sacrifice in the end. As long as I keep my precious one safe. I'm fine with it." Ang buong akala ni Alex, happy ending na silang dalawa ni Terrence... sa akala lamang pala niya iyon... Dahil nang bigla na lamang mawala si Terrence, sobra siyang nasaktan, maging ang kaniyang trabaho ay naapektuhan. Sumabay pa ang isang malagim na pangyayaring lalong nagpaguho ng mundo niya. Sa panahong iyon, higit niya itong kailangan ngunit walang Terrence Altamonte na dumamay sa kaniya. Until one day, muli itong bumalik. But the most painful is, may iba na itong mahal?! The heck! Ano 'to, lokohan?! After days and weeks of waiting, eto pa ang kaliwa't kanang sumampal sa kanya! Parang gustong magdilim ng kanyang paningin! Dumagdag pa ang mga bagong kalaban na lalong nagpapagulo sa buhay niya. Hindi lang isa, kundi isang organisasyon ng mga assassin. Idagdag pa ang magugulong gangster! Teka, Agents vs. Assassin vs. Gangster? Paano na ito ngayon? Paano na siya? Ito na ba ang katapusan ng love story niya? May happy ending pa ba siya o wala na? ------------------------------------------------------------------- 9 RAW SCENES FROM BOOK 2! SCENE 1---------------- "Then let's get married..." ang seryoso niyang sabi pagkaraan na ikinanlaki ng mata ko. Totoo ba ito?! Si Alex na mismo ang nag-aaya sa aking magpakasal? Teka sandali! Kalma muna Terrence! Whoa! Nanginginig ang buo kong kalamnan sa excitement! "Y-y-you want us to get married?" ang nabubulol ko pa'ng tanong sa kaniya na nakatitig direkta sa kaniyang mga mata! SCENE 2-------------- "Mabuti pang sumuko ka na. Wala na ang mga kasama mo, wala ka na ring ibang malulusutan. We will keep you alive if you tell me who is behind the assassination," ang tanong ko sa babae. "Who gave the order?" Muli kong tanong. Hindi ako maaaring magbasakali at maging kampante dahil sa nababanaag kong galit na nakabadha sa mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng babae ng mga sandaling iyon. "Too bad..." she said in a sarcastic tone. Though the sparks in her eyes show pain and anger. "They did not train me to give away confidential information, and that..." she paused. "That includes surrendering myself to someone I know full well is an enemy." Pagkasabi niya no'n napaalerto ako dahil bigla nitong iniangat at itinutok sa akin ang baril. SCENE3--------------- "Ang sabi mo hindi mo ako iiwan..." nakaramdam ako ng pagbigat ng aking dibdib, kasabay ng pamumuno ng luha sa aking mga mata. "Ang sabi mo hindi mo ako papaiyakin... pero anong ginawa mo?!" malakas kong sigaw sa asul na karagatan! "AAHH!" tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko, parang tinarakan ng matalim ang puso ko! Darn it! Gusto kong magwala ngunit pakiramdam ko wala na akong sapat na lakas para gawin 'yon dahil sa ilang araw kong pag-iyak! SCENE4------------ "Ang sabi ng mga kasama mo, you are one of the best daw," may halong pangmamaliit ang himig ng boses ng isa pang lalaki na si Aries at bahagyang lumapit sa akin saka sinukat ako ng tingin. "Talaga ha? Can you prove it?" "Hoy Travis, 'yong mga alaga mo nakawala na naman," tawag pansin ni Kyle doon sa isang lalaki na palapit sa kabilang van, napatingin ito sa amin. "Sabi ko naman itali mo ang mga 'to. Kayo rin, baka kapag nagwala rin 'tong alaga naming bagong dating, buto na lang matira sa mga 'to!" "Pfft!" pigil na pigil sa pagtawa ang walo! Mga loko-loko! Sinamaan ko ng tingin si Kyle na binigyan lang ako nakakalokong ngisi! Punyiemas naman! Ano kala niya sa akin aso?! Ngali-ngaling batukan ko ang baliw na 'to! SCENE5------------ "Aw!...Aw!... Aray!" daing pa rin nito nang higpitan ko pa ang pagpilipit sa braso ni Kyle. Ngumisi ako kay Mike. "Mike, 'yong kadena nitong alaga natin. Mahirap na baka makawala! Sayang galing Cebu pa naman din 'to!" Humagalpak ng tawa sina Abet! Ayan, langya kasi tong si Kyle! Kasi naman, ako pa nagawa niyang pagtripan! "Katayin na lang natin 'yan, Lex," natatawang suhestyon ni Mike! Pilit na tumingala si Kyle kay Mike. "Alam kong 'di mo magagawa 'yan dahil mamimiss mo ako, wala ng mamimilosopo sa 'yo at wala ka na ring babalian ng leeg, wala nang magpapasaya sa 'yo. Baka kapag nawala ako ngumawa ka, kapag nangyari 'yon huwag kang mag-alala, isasama kita." Pfft! Punyiemas! Tuksuhan naman sina Abet samantalang napalis naman ang ngiti ni Mike. SCENE6------------ "Mr. Manyak, naligaw ka ba? Nasa kabila ang team mo. Tresspassing 'yang ginagawa mo," ang walang ganang wika ni Kyle. "Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo dito? Kung kalsada lang 'to, marahil patay ka na, nasa gitna ka, e!" dugtong pa ni Kyle na makahulugan ang huling sinabi. Natawa naman sina Joseph. Napasimangot naman si Ram sa pambabara ni Kyle. "Ang galing din ng entrada mo, 'no. Bodyguard ka ba ni Alex at lagi ka nakikialam." "May paki ako dahil hindi kita gusto para sa kaibigan ko," mariing sabi pa ni Kyle. "At sino ang gusto mo? 'Yon?" turo nito kay Terrence na nakaupo sa likuran. "Ayaw na nga kay Alex pinagpipilitan mo pa. Sadista ka rin, ano?" "Hindi sadista ang taong naghahangad ng maganda para sa kaibigan niya. At hindi ko ugaling ipagpilitan ang taong siya pa rin ang gusto," ang tila makahulugang sabi ni Kyle na nagpatahimik sa amin na nakapalibot sa mesang iyon. Anong pinagsasabi nito?! Nababaliw na nga talaga ang gunggong na 'to! "Ang sinasabi ko, A-YO-KO sa 'yo para kay Alex. You're stupid if you won't get it," blangko ang mukha ni Kyle na tinitigan si Ram. Tila nagsukatan ng tingin ang dalawa. Jusme! "Pre, kahit anong gawin mo, hindi ka mananalo r'yan kay Kyle. Kada buka ng bibig mo, paniguradong may balang maititira 'yan sa 'yo," natatawa namang sabat ni James upang pawiin ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Napailing naman ako. "Bumalik ka na doon sa team mo, Ram. Bago pa magwala 'yang dalawa't kabaong na ang kahahantungan mo!" dagdag pa na paalala ni Mike. SCENE7---------- "Now, at least you've experienced the feeling of losing someone so precious to your life," she smirked. "It's painful, isn't it? The person you loved the most doesn't belong to you anymore." Napamaang ako sa mga sinasabi nito. Anong nais mangyari ng babaeng to? Ang mga sinabi niya... tila may kahulugan... or am I just being paranoid? Naalerto ako ng humakbang ito palapit sa akin at inilapit ang labi sa tenga ko. "But the most painful part is when you see your loved one... dead," she whispered, almost a hush, then she chuckled as she stepped away. SCENE8----------- "Tsk!" palatak nito sabay talikod sa akin, tinungo ni Kyle ang pinto. Bago buksan ang pinto ay nilingon muli ako ng lalaki. "Then, if you have a definite reason, tell her. It may hurt her, but at least she knows if she needs to wait for you or not. The truth hurts for a while, but not lies. Big or small, lies are still lies, and they hurt forever." Napamaang ako. Kyle's being right was irritating... But Kyle's being this serious is creepy! "If you keep hurting her, Altamonte..." There's a warning in his eyes. "Mapipilitan akong agawin siya sa 'yo because she's the kind of woman you'll regret losing," pagkasabi no'n ay binuksan nito ang pinto. "I'll wait outside," at akmang hahakbang na sanna ito palabas. "Y-you like her?" ang namutawi sa bibig ko dahil sa pagkabigla ko sa aking narinig. Blangko ang ekspresyon binalingan ako ni Kyle. "I don't think I need to answer that. Hindi ko kailangang sabihin sa 'yo kung ano ang nararamdaman ko para kay Alex kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi mo magawang sagutin ang mga tanong ko tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya. Pero ito lang masisigurado ko sa' yo, pagpaulit ulit mo siyang sinaktan ng walang sapat na dahilan, hindi ako magsasawalang kibo na lang," at tuluyan na ngang lumabas ito. SCENE9----------- "Nauunawaan ko ang nais mong mangyari, ngunit sabihin mo, ilang dosenang assassin ang nasa buong lugar? Ilang dosena ang mga assassin na nagbabantay ngayon kay Eris? Kung susugod tayo nang hindi handa at kulang sa mga kasama, mamamatay lamang tayo roon! Bago pa natin mailigtas si Eris, mga bangkay na tayo!" ang hindi ko ring napigilang bulalas! Natahimik si Reina ngunit hindi pa rin humuhupa ang inis nito. "May I offer you my help?" Natigilan kami ni Reina at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Mula sa kabilang bahagi ng partition na nasa likuran ni Reina, tumayo ang isang nakatalikod na babae na may buhok na hanggang beywang. Nang humarap ito sa amin ay inalis din nito ang suot na dark squared shades. Maganda ang babae na may pagkachinita ngunit hindi naman gaanong katangusan ang ilong na tama lang upang bumagay sa maliit nitong mukha. Bata pa ang itsura nito, marahil ay 20 or 22? Pero sandali... ibig sabihin ay kanina pa siya nakikinig sa usapan naming dalawa?! "Pasensiya na, hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan niyo. But it seems you didn't notice people around you dahil sa seryoso niyong pag-uusap," pormal ang mukhang sabi nito ngunit may kakaiba sa aura ng babae. "And you are?" tanong ko. Lumapit ito sa lamesa namin. "Keira Montefalcon." sabay lahad ng palad nito kay Reina ngunit tinitigan lamang iyon ng isa. Binawi na lamang ni Keira ang kamay at ipinasok sa bulsa. Binalingan ako nito. "Since I know your secrets, maybe you should know mine," ang walang kangiti-ngiting sabi ng dalaga. "Sa gangster world kilala ako bilang Kei, the Queen," ang sabi nito na ikinamaang ko! Heck! May assassin na nga akong kaharap, ngayon may dadagdag pa na gangster?! ---------------------------------------- Soon to publish Ms. Bodyguard book 2 as paperback! Stay tuned for the preorders and giveaways! ---------------------------------------- Future Works: *Ms. Gangster *Ms. Assassin *What Hurts the Most *Royal Cross University *Dead Among Us *My Servant is a Heiress *Phoenix Heart *MSH at DAU are actually naka-onhold po in watty, but will update soon after ko sa Ms. Gangster, WHM, and RCU which is naka schedule for next year.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD