ALEXIS ALEJO Pumayag naman sina Althea na sumama sa amin ang Team ni Aries ngunit halata pa rin ang pagkainis nila kay Ram. Pagkatapos namin sa Oceanarium ay nagtungo naman kami sa iba pang attraction sa Ocean Park. Nang makaramdam na ng gutom ang mga ito'y nagdesisyon na kaming magtungo sa isang restaurant upang kumain. Nasa katapat naming table ang table ng magkakapatid na Altamonte kasama si Hanna. Nakatalikod naman sa akin ang pwesto ni Hanna ngunit hindi ni Terrence na ngayon ay napapasulyap sa gawi ko dahil magkatapat lamang kami. Gusto ko sanang balewalain at huwag na tignan si Terrence kung maaari. Pero 'di ako mapalagay sa nakakainis at matiim na titig niyang iyon! Anong problema ng lalaking 'to? Kanina pa siya ganyan kung makatitig! Tsk! Kaya naman ay sinamaan ko siya ng t

