Chapter 56

2583 Words

ALEXIS ALEJO Nang magsimula nang magsikain ang lahat napasulyap ako sandali sa kinaroroonan nina Terrence. Muling kumirot ang puso ko ng makita ang tila masayang pag-uusap ng apat. Pero ganoon na lang ang pagsimangot ko ng maagaw ang pansin ko sa kaharap ko na sina Joanna at Mike na ang sweet-sweet na nagsusubuan pa, wari ba iniinggit ako ng dalawa. Tahimik namang kumakain si Kyle at nagkukwentuhan naman sina Joseph at James tungkol sa mga walang kwentang bagay. Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. "Hoy kayong dalawang magjowa, nananadya ba kayo?" ang irita kong tanong. "Umayos-ayos kayo sa harapan ko kapag hindi ko kayo matantsa baka mabato ko kayo nitong kutsilyo." Natatawang napahinto naman sa pagkukwentuhan sina Joseph at James. Napaangat naman ng mukha si Kyle habang nanguya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD