NANLALAKI ANG AKING MGA mata nang masilayan ko ang mukha nang lalaking mapangahas na umiistorbo sa akin. At walang iba kundi ang tao na aking kinamumuhian. Akala ko pa naman na hindi na ito babalik pa. Ngunit hindi yata umaayon sa akin ang tadhana dahil nandito na naman sa aking harapan ang demonyong ito.
“Bakit ka pa bumalik?’’ hindi ko alam bakit ito ang katagang lumabas sa aking bibig marahil ay hindi ko inaasahan na nandito siya dahil sa nababalitaan ko ay isang buwan itong naka-on leave.
“And what do you think? Hindi mo ako nakita kanina, Ms. Tan? Mukhang ayaw mo akong pabalikin sa school na ito na ako naman ang may-ari?" supladong nitong tanong sa aking pabalik.
Hayan na naman siya lumabas na naman ang kanyang masamang ugali. Kaya pala sobrang tahimik ng aking mga kaklase dahil may masamang elemento pa lang nakapasok.
‘Akala ko kasi multo ka na. Sayang walang masamang nangyari sa ’yo!’ ani nang maldita kong isipan. Grabe wala na yatang chance na maging mabuting tao ito. Kahit kailan wala siyang ka amo-amor sa akin. Kabaligtaran sa mga kaklase kong tila hihimatayin sa kilig.
“Akala ko kasi na ka on leave pa kayo, Sir, Gadoze,’’ saad ko. Ngunit nakangiwi ako.
“Is that what you can say? Can you explain to me while you’re always sleeping inside the classroom? Sabihin mo nga kung bakit lagi kitang naaabutang tulog dito sa loob ng classroom?’’ mataas ang tono nang boses nito habang siansabi ang mga katagang ‘yon. Kaya hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay. Wala na talagang pag-asa pa na bumait ang lalaking ito.
‘’Bakit po, Mr. Gadoze, kung sasabihin ko ba ang dahilan bibigyan mo akong ng konsiderasyon?’’ hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumagot nang mataray sa kanya. Pagdating talaga kay Mr. Gadoze lumabas ang aking pagkamaldita. Nakita ko ang pagalaw ng kanyang adam’s apple at pagkuyom ng kanyang kamao senyales na galit na naman ito.
‘’Maldita ka talaga, huwag mo akong susubukan! You don’t know what I am capable of!’’ matigas din nitong saad. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking narinig. Napatigil ako sandal. Nais ko na sanang humingi ng tawad sa aking inasta dahil mukhang dehado ako kapag kakalabanin ko siya. Sa ngayon handa akong ibaba ang aking pride alang-alang sa aking pamilya at grado.
“Ms. Tan, follow me in my office. I won’t tolerate that such kind of behavior. Walang galang sa kanilang professor!’’ ramdam ko na talaga ang galit sa kanyang tinig. Napalunok ako nang wala sa oras.. I know that I am in trouble again with Mr. Gadoze. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na mainis dahil minsan napapahamak talaga ako dahil sa walang prenong kung bibig. Nakita kong mabilis na naglalakad ito palabas ng aming classroom. Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ko sa kanya o hindi? Pero mukhang malalagot na ako kapag hindi ko susundin ang kanyang gusto.
‘’Ms. Ennaya, I said follow me in my office now!’’ tila kulog na dumadagundong sa buong silid ang kanyang tinig. Galit na galit itong nakatingin sa akin nang nakita nitong hindi ako nagpatinag sa aking kinauupuan. Kaya mabilis pa sa alas kuwatro akong tumayo at nagsimulang naglakad palabas nang aming classroom. Nakiita ko ang mukha nang aking mga kaklase na tila nagsasabing lagot ako. Ngunit tahimik lang sila takot na madamay sa galit ni Mr. Gadoze. Maging ang grupo nila Emily hindi na rin nakaimik. Nawala ang kilig sa kanilang mukha sa tuwing nakikita nila si Mr. Gadoze.
Nang nakalabas na ako sa aming classroom malaki ang aking mga hakbang para maabutan ko si Mr. Gadoze na ngayon mabilis na naglalakad papunta ng kanyang opisina. Ngayon lang ako nakaramdam nang kaba dahil nag-aalala ako sa aking maaring kahihinatnan. Ayaw kong mapurnada ang pangarap ko pangarap na makapagtapos. Mas lalo ko pang binilisan ang aking lakad nang makita kong pumasok na ito sa opisina, ngunit iniwan naman nitong nakabukas ang pintuan para sa aking pagpasok.
‘’Mr. Gadoze!’’ tawag ko sa kanya nang tuluyan akong nakapasok sa opisina ngunit walang sumasagot, hindi ko rin siya nakita.
“Hala! Nakita ko siyang pumasok dito? Bakit wala siya?’’ tanong nang-aking isipan. Bigla tuloy akong nakaramdam nang kaunting takot.
“Oh, my God! Hindi kaya multo na si Mr. Gadoze? Hindi kaya namatay siya habang nagbabakasyon? Siguro nakain ng buwaya habang lumalangoy sa ilog?’’ embes na matakot napangisi ako sa aking isipan. Hindi ko ma-imagine ang mukha nito habang dahan-dahang nilapa nang buwaya.
‘Bleeeh! Karma na niya ‘yon. Pati buwaya hindi siya nagugustuhan!’ ani nang pilya kong isipan. Natutuwa pa talaga ako kapag tuluyang na siyang mamatay. Ngunit kumukontra na naman ang ibang bahagi nang aking isipan.
“Gaga! Walang mayaman na magbabakasyon para maliligo sa isang ilog na puno ng buwaya!’’ Ay, sayang naman kung ganoon. Hiling ko sanang huwag na siyang babalik pa. Masama na kung masama kung hihillingin kong sana mamatay na lang siya. Pero imposibleng multo na ito kasi hindi lang naman ako ang nakakakita sa kanya kanina. Pati mga kaklase ko at binati rin siya nang isang studyanti kanina sa hallway.
Pero saan ba nagpunta ang damuhong ‘yon? Bakit biglas siyang nawala rito sa loob? Ano siya may lahi ni San Guko? Puwedeng magtele port kahit saang gusto na lugar? Nakitako siyang pumasok dito, eh. Ah, baka pumunta nang comfort room. Baka nagtatae sana nga mapuruhan sa kanyang pagtatae at nang tuluyang nang humihimlay sa kabilang buhay. Hay, masyado na talaga akong makasalanan dahil sa lalaking ito. Napaismid ako nang maalala ang kanyang matinding galit kanina habang nakatingin sa akin. Bakit sobrang high blood nito pagdating sa akin? Paniguradong papaliguan na naman ako ng sermon. Daig pa ang tatay ko kung umasta.
Ngunit labis akong nagtaka bakit isang table lang ang nandito sa loob at may name plate na nakalagay sa ibabaw nang table. Ang ibig sabihin sa kanya lang ang opisinang ito? Akala ko kasi may iba itong kasamahan na guro. Iginala ko ang aking mata sa loob hindi ko mapigilan ang sarili na mamangha dahil sa sobrang laki nito. Ang ganda nang loob. May nagagandahang paintings. At halatang mamahalin ang mga mwebles.
Bigla kong natapik ang aking ulo. Oo nga pala, bakit hindi ko naisiip ka agad na ito pala ang may-ari ng Gadoze University na ito. Kaya dapat may sarili talaga itong opisina.
Bigla rin akong napaisip? May asawa ha kaya ito? Siguro ay wala pa, kasi sobrang sama ng ugali nito, walang babae ang magkakagusto rito. Saka feel ko talaga may tinataago siya.
My Gosh! masyado na yata akong judgemental? Nababaliw na ako, bakit ko ba pinakialaman ang personal na buhay ng lalaking 'yon. Wala akong pakialam kung may asawa na siya o wala. Napailing na lamang ako sa aking sarili sa ideyang pumasok sa aking isipan.
Muli kong iginala na lamang ang aking paningin sa buong
opisina ni Mr. Gadoze. Nakita kong may iilang trophy na katabi ng isang book shelves na puno nang mga libro. Kaagad nagniningning ang aking mga mata nang nakita ko ang mga ito. Iniisang hakbang ko ‘yon akmang kukuha na sana ko ng isang libro nang biglang dumadagundong ang isang tinig at galit na galit.