Page 11 of 14 Hindi ko talaga alam kong saan ako nuon pupunta, basta tumakbo lang ako papalabas ng Boarding House. Pinupunasan ko ng aking palad ang aking luha. Alam kong kapansin-pansin ang aking pag-iyak pero di ko nalamang iyon pinansin pa. Hanggang sa nakarating ako sa Quiapo Church. Doon ako nagpalipas ng oras. Nakatingin lang ako sa Poon. Blanko ang aking isipan ng mga sandaling iyon. Pero pinagpasyahan kong umuwi ng gabing-gabi para wala si El sa pag-uwi ko. Alas 9 ng gabi ako nagpasyang umuwi na. Naglakad lang ako para naman sigurado akong wala na si El. Hindi ako nakaramdam ng gutom o uhaw. Alam ko lang napapagod ako. Habang naglalakad ako ay napaisip ako. Kung bakit kailangan maging ganun si El. Inisip ko din na baka tama din si Jc na nahawaan o mas maiging sabihin kong nagisin

