Page 13 of 14 Pinalampas namin ni El ang ginawang iyon nila Dante at Jc. Kahit na ganid na sa galit si El at pinilit ko siyang huwag nalang lumabas, kahit man ako ay galit na galit na ng mga sandaling iyon. Sobra na kasi talaga, hindi na nagiging makatao. Sa unang araw ng pasukan ay hindi muna kami pumasok ni El. Dalawa kaming nag-ikot-ikot para makahanap ng malilipatan namin. Napagdesisyunan naming mas malayo sa Bording House para malayo narin kami kanila Dante at Jc. Hangang sa makakuha kami ng isang kwarto. Medyo malaki para sa dalawang tao. Malaki ang kwarto na pwedeng hatiin sa dalawa. May sariling banyo, kusina at may sala pa. Para talagang bahay. Inupahan na kaagad namin, nagbayad na kami ng one month deposit, one month advance. Naghati nalang kami ni El sa upa. Pero hindi pa kam

