Page 9 of 14 Nasa kwarto kaming apat. Iyak pa din ako ng iyak habang nakayakap sa akin si Emil habang nakaupo kami sa kama. Takot parin ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Takot na inisip kong katapusan na ng aking buhay. Ang pakiramdam ko ay ang dungis dungis na ng pagkatao ko na para bang inilublob ako sa putikan ng basura. Nasa balat ko parin ng mga sandaling iyon ang sariwa ng panggagahasa sa akin ni Dante at Jc. Masakit ang buo kong katawan. Nadidinig ko sa aking tenga ang mala demonyong tawanan ng dalawa. Paulit-ulit. Nakakatakot. "dapat isumbong na mga iyon sa mga Puis, grabe na ang ginagawa nila!" sabi ni Emil. "huwag!" pag-aapila ko. "bakit?" matigas na tanong ni El. "baka umabot pa sa probinsya ang nangyari dito, ayaw kong mag-alala sa akin sila Mama." sabi ko. "Neth

